Latest Video
Thousands flee restive Mayon
Habang naghahanda ang marami sa papalapit na Pasko, nangangamba naman ang libo-libong residente sa Albay dala ng tumitinding pag-aalboroto ng Bulkang Mayon! Umiiral na ang alert level 4 sa Bulkang Mayon. Ibig sabihin ayon sa Phivolcs, nakaamba ang pagsabog ng Bulkang Mayon anumang oras o araw. Mula sa Legazpi City, nagpa-Patrol Jenny Reyes at makakausap din natin si Phivolcs Director Renato Solidum. TV Patrol World, Lunes, Disyembre 21, 2009
Sharon mourns loss of beloved Yaya Luring
Maraming biyaya si megastar Sharon Cuneta ngayong Pasko, kabilang na ang filmfest entry na "Mano Po" na nag-premiere night na. Pero may kalungkutan din ang kanyang kapaskuhan dahil sa pagyao ng kanyang Yaya Luring na nag-alaga at kasa-kasama ni Mega sa loob ng mahigit 40 taon. Nagpa-Patrol Ginger Conejero. TV Patrol World, Lunes, Disyembre 21, 2009
Judge Reyes finally speaks on accepting Maguindanao massacre case
Magpa-Pasko at magdiriwang ng Bagong Taon sa NBI detention center si Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr. Ito'y matapos sabihin ni Judge Jocelyn Solis-Reyes na sa Enero na didinggin ang kanyang petisyon para makapagpiyansa. Sa unang pagkakataon, nagsalita na rin ang hukom, kung bakit niya tinanggap ang kaso kaugnay ng Maguindanao massacre. Nagpa-Patrol Sheryll Mundo. TV Patrol World, Lunes, Disyembre 21, 2009
Mayon watch: Albay officials aim for 'zero casualty'
Dahil sa pagtaas sa alert level 4, pinaigting naman ng mga otoridad ang pagbabantay at paghahanda para masiguro ang "zero casualty" kung sakaling sumabog ang Mayon. Pati mga hayop, sinimulan na ring ilipat sa mas ligtas na lugar. Mula sa Legazpi City, Nagpa-Patrol Dominic Almelor. TV Patrol World, Lunes, Disyembre 21, 2009
Overseas Pinoys return for the holidays
Dagsa na rin sa Ninoy Aquino International Airport ang mga kababayan natin mula sa ibang bansa para dito mag-Pasko kasama ang kanilang pamilya. Mula sa NAIA Terminal One, nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol World, Lunes, Disyembre 21, 2009
Lawyer reveals reasons on defending Ampatuan Jr
Kontrobersyal na naman si Attorney Philip Sigfrid Fortun! Siya ang tagapagtanggol ni Datu Andal Ampatuan Jr -- ang pangunahing suspek sa Maguindanao massacre. Kinwestyon ng karamihan ang kanyang intensyon. At sa unang pagkakataon, inihayag ni Fortun sa ABS-CBN ang saloobin at ang kanyang dahilan sa pagtanggap sa kaso. Exclusive, nagpa-Patrol, Cecille Lardizabal. TV Patrol Linggo, Disyembre 20, 2009
Will Angelica & Derek's gifts to each other be naughty or nice?
Ano kaya ang sorpresa para sa isa't isa ng real life couple na sina Derek Ramsey at Angelica Panganiban? Alamin sa pagpa-Patrol ni Gretchen Fullido. TV Patrol Linggo, Disyembre 20, 2009
Pampanga celebrates parol-making
Nagpasiklaban sa ganda at liwanag ang 9 na naglalakihang parol sa taunang Giant Lantern Festival sa San Fernando, Pampanga! Nagpa-Patrol Abner Mercado. TV Patrol Linggo, Disyembre 20, 2009