Latest Video

Floyd dares Pacman to undergo blood tests

Hinamon ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao na sumailalim sa drug test. Pero si Pacman, tumanggi. Hindi raw kasi siya sanay na magpakuha ng dugo bago ang laban. Nagpa-Patrol, TJ Manotoc. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 23, 2009

Media groups clamor for justice a month after massacre

Hustisya pa rin ang sigaw ng iba't-ibang media groups, isang buwan mula nang maganap ang Maguindanao massacre. Mula sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City, nagpa-Patrol, Atom Araullo. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 23, 2009

Journalists revisit massacre site

Madamdamin namang ginunita ng mga mamamahayag ang Maguindanao massacre. Binalikan nila ang pinangyarihan ng krimen, nag-alay ng bulaklak at nanalangin na sana'y makamit na ang katarungan para sa mga biktima. Nagpa-Patrol, Lirio Bompat. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 23, 2009
 

Lady judge, SC inspects Crame for Ampatuan hearing

Puspusan na ang paghahanda ng mga taga-Korte Suprema para sa nalalapit na pagdinig ng petisyon ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. kaugnay ng Maguindanao massacre. Ito ay para matiyak na walang aberyang mangyayari sa hearing. Exclusive, nagpa-Patrol, Sheryll Mundo. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 23, 2009

TV Patrol takes a peak on MMFF floats

Sa Huwebes na ang engrandeng parada para sa Metro Manila Film Festival! Sadyang pinaghandaan at pinagkagastusan ang floats na unang-una naming ipapasilip dito sa TV Patrol World. Nagpa-Patrol, Gretchen Fullido. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 23, 2009
 

News team captures Mayon lava flow

Nakunan ng malapitan ng news team ang pagdausdos ng lava mula sa Bulkang Mayon. Babala ng Phivolcs, peligroso ito sa tao. Exclusive, mula sa Albay, nagpa-Patrol, Jose Carretero. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 23, 2009

Signs point to Mayon explosive eruption

Nakaturo na raw sa isang malakas na pagsabog ang lahat ng senyales na ipinapakita ng Bulkang Mayon. Pero ayon sa Phivolcs, mas binabantayan nila ang biglang pagbaba ng aktibidad ng bulkan. Mula sa Legazpi City, Albay, nagpa-Patrol, Jenny Reyes. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 23, 2009
 

Christmas rush shoppers crowd Divisoria

Kapamilya, dalawang araw na lang bago ang araw ng Pasko pero dagsa pa rin sa Divisoria ang mga humahabol para mamili ng regalo. Mula sa Divisoria, nagpa-Patrol, Sol Aragones. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 23, 2009