Latest Video

Payatas youngsters form choir to support studies

Nakakabilib ang isang grupo ng kabataan sa Payatas! Sa pamamagitan kasi ng kanilang talento sa pagkanta, nakabuo sila ng choir na nakakatulong para matustusan ang kanilang pag-aaral. Nagpa-Patrol, Atom Araullo. TV Patrol World, Hunyo 4, 2010

KC emotional over Gabby-Sharon reunion

Magsasama naman sa unang pagkakataon sa pelikula ang mag-amang Gabby at KC Concepcion para sa Star Cinema film na "I’ll be there" kasama si Jericho Rosales. Emosyonal naman si KC kaugnay ng reunion episode ng kanyang ama at inang si Sharon Cuneta sa show ng Megastar. TV Patrol World, Hunyo 4, 2010

Boto Patroller submits video of voters panicking in Lanao

Sa Lanao del Sur, nakunan ng video ng Bayan Patroller na si Jalmartin ang mga nagkakagulong botante sa Barangay Dinganun, Sultan Duma-londong matapos makarinig ng putok ng baril. TV Patrol World, Hunyo 4, 2010

PGMA says no regrets as 9-year president

Walang pinagsisisihan si Pangulong Arroyo sa naging takbo ng kanyang administrasyon. Sa exclusive interview sa kanya ng ABS-CBN, nagpahiwatig din ang pangulo na magtatagal pa siya sa serbisyo-publiko. Exclusive, nagpa-Patrol, RG Cruz. TV Patrol World, Hunyo 4, 2010

 

Senate adjourns with unfinished business

Sa panig ng Senado, 6 na senador ang hindi na babalik sa 15th Congress na magbubukas sa Hulyo dahil nakaka-dalawang term na sila. Tinapos na rin ng Senado ang pagkatig sa mga nakabinbing panukala. Pero may homework pa rin silang hindi natapos. Nagpa-Patrol, Lynda Jumilla. TV Patrol World, Hunyo 4, 2010

No passage of Freedom of Info Act from House

Pormal nang nagtapos ang ika-14 na Kongreso sa pamamagitan ng sabay pero magkahiwalay na sesyon ng Senado at Kamara. Sa Kamara, wala pa sa kalahati ang bilang ng mga mambabatas na sumipot sa huling araw ng sesyon. Dahil walang quorum, nagkagulo nang hindi naipasa ang Freedom of Information Act. Nagpa-Patrol, Willard Cheng. TV Patrol World, Hunyo 4, 2010

Astig: Disfigured Pinoy shows he’s more than able

Bata pa nang maputulan ng mga kamay at paa si Deodel Morada. Pero pinatunayan ng Astig na Bikolano na hindi hadlang ang kanyang sinapit para matupad ang kanyang mga pangarap. Mula Legaspi City, Albay, magba-Bandila si Jose Careterro. Bandila, Hunyo 3, 2010

Palace employees excited over new president

Hindi lang mga negosyante ang gustong makita kung paano mag-trabaho si Benigno “Noynoy” Aquino III. Maging ang mga empleyado sa Malacañang,  inaabangan na ang pagdating ng mga bagong mukha sa Palasyo. Magba-Bandila si Ron Gagalac. Bandila, Hunyo 3, 2010