Latest Video

Probe into fertilizer fund scam to start

Matapos ang halos apat na taon, magsisimula na ang pormal na imbestigasyon ng Ombudsman sa fertilizer fund scam. Kanina, pormal nang nag-hain ng reklamo ang Ombudsman laban kay dating agriculture secretary Cito Lorenzo. Nagpapatrol, Henry Omaga-Diaz. TV Patrol, Biyernes, Hulyo 9, 2010

Binay camp: Roxas’s protest won’t bear fruit

Naihain na sa Korte Suprema ang electoral protest ng natalong Liberal Party vice presidential candidate na si Mar Roxas. Pero binalewala ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang reklamo ni Roxas. Ang Comelec naman naniniwalang walang saysay ang pagbibilang ni Roxas ng null votes. Nagpapatrol, Ces Oreña Drilon. TV Patrol, Biyernes, Hulyo 9, 2010

Water rationing in several Metro barangays starts Saturday

Simula na bukas ng pagrarasyon ng tubig sa ilang barangay sa Metro mManila. Lalo pa kasing binawasan ang alokasyon ng tubig para sa mga water utility bunsod ng napakababang water level sa Angat Dam. Katunayan, inaasahang papalo pa sa pinakamababang antas nito ang Angat Dam sa loob ng apat na araw. Nagpapatrol, Zen Hernandez. TV Patrol, Biyernes, Hulyo 9, 2010

Calm, cool Lacierda faces Malacañang press corps

Tila tumalab na kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang dinaanan niyang media relations training. Sa halip na palaban, isang kalmado at magiliw na tagapagsalita ang humarap sa Malacañang press. Sumailalim na rin ang iba pang kalihim sa media seminar. Magba-Bandila si Ron Gagalac. Bandila, Huwebes, Hulyo 8, 2010
 

‘Fertilizer fund scam went on despite probe’

Nagpatuloy pa rin ang anomalya sa pondo na para dapat sa mga magsasaka sa loob ng Department of Agriculture kahit na noong kasagsagan ng imbestigasyon sa fertilizer fund scam! Ito ang isinawalat sa atin ni dating Senate Agriculture Committee chair Jun Magsaysay! Kaya para kay Magsaysay, dapat panagutin ang mga sangkot dito kabilang na umano si dating agriculture secretary Luisito Lorenzo. Bandila, Huwebes, Hulyo 8, 2010

De Lima assures Lacson of fair treatment

Posibleng lumantad na rin si Senador Panfilo Lacson para harapin ang mga kasong nakasampa laban sa kanya kaugnay ng Dacer-Corbito double murder case, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima. Sabi pa ni De Lima, ngayong may bago nang gobyerno, hindi na raw dapat mag-alaala si Lacson na hindi magiging patas sa kanya ang batas. At ayon sa NBI, sakaling lumantad na si Lacson, handa na ang kulungang paglalagyan sa kanya. Magba-Bandila si Timi Nubla. Bandila, Huwebes, Hulyo 8, 2010

Celebrities in Congress: We’re going to excel in our work

Desidido ang celebrity congresswomen na sina Lucy Torres at Lani Mercado na ipakitang may ibubuga sila sa Kongreso! Nagpa-Patrol Marie Lozano. TV Patrol, Huwebes, Hulyo 8, 2010

Pacquiao reacts to Krista’s wedding plans

Congressman Manny Pacquaio nag-react sa isyung magpapakasal na ang dating naugnay sa kanyang si Krista Ranillo! Nagpa-Patrol Marie Lozano. TV Patrol, Huwebes, Hulyo 8, 2010