Latest Video

Estrada to Aquino: Investigate Davide

Pinaiimbestigahan ni dating Pangulong Estrada kay Pangulong Noynoy Aquino si dating Chief Justice Hilario Davide, Jr. kaugnay sa umano'y maanomalyang paggastos ng higit P700-milyong Judiciary Development Fund o JDF. Exclusive, nagpa-Patrol, Anthony Taberna. TV Patrol, Miyerkules, Hulyo 7, 2010
 

Lorenzo may be state witness, Aquino says

Posibleng gawing state witness si dating agriculture secretary Cito Lorenzo sa P728-million fertilizer fund scam ng administrasyong Arroyo. ‘Yan ang posisyon mismo ni Pangulong Benigno Aquino III na kinumpirma ang pagkikita nila ni Lorenzo. Nagpa-Patrol, Willard Cheng. TV Patrol, Miyerkules, Hulyo 7, 2010
 

Aquino, Lorenzo meet in private party

Nakakuha ng video at litrato ang ABS-CBN News sa party na dinaluhan nina Pangulong Aquino, Vice President Binay at ilang Noy-Bi supporters. Kumpirmadong naroon din sa party ang kontrobersyal na si dating agriculture secretary Cito Lorenzo. Exclusive, nagpa-Patrol, Maricar Bautista. TV Patrol, Miyerkules, Hulyo 7, 2010

Cito Lorenzo: I’m ready to testify on fertilizer fund scam

Sa unang pagkakataon mula nang siya'y bumalik sa bansa, eksklusibong humarap sa ABS-CBN News si dating agriculture secretary Luis “Cito” Lorenzo. Si Lorenzo ay isa sa mga isinasangkot at pinakakasuhan sa P728-million fertilizer fund scam. Inamin ni Lorenzo na may banta sa kanyang buhay, pero tiniyak niya na handa siyang tumestigo sa tamang panahon. Mula sa Rockwell, Makati, nagpa-Patrol, Lynda Jumilla. TV Patrol, Miyerkules, Hulyo 7, 2010

US ambassador won't use 'wang-wang', too

Inulan ng tanong si US ambassador to the Philippines Harry Thomas sa pagharap sa Manila Overseas Press Club kanina.
Hiningan siya ng opinyon tungkol sa human trafficking at terrorismo, maging sa isyu ng mga wang wang. Magbabandila si Zyann Ambrosio.

DOH plans licensed massage therapists

May plano ng department of health na palisensyahan na ang mga massage therapists sa harap ng kabi-kabilang spa at massage centers ngayon. Mainam na raw ito para ma-professionalize at di magamit sa prostitusyon ang industriya ng spa at wellness centers. Magbabandila si Gretchen Malalad.
 

Aquino, LP hold seminar on priorty bills

Sumabak sa seminar ang mga mambabatas ng partido Liberal para pag-usapan ang mga batas na isusulong sa ilalim ng administrasyong Aquino. Hiningi naman ni Pangulong Noynoy Aquino ang suporta ng mga kapartido sa kandidatura bilang Senate president ni Senador Francis Pangilinan. Magbabandila si Ron Gagalac.
 

DOJ chief: Something wrong in Ampatuan Sr.'s transfer

May mga puna si Justice Secretary Leila de Lima sa paglilipat kanina kay Andal Ampatuan Sr. mula Bicutan papuntang V. Luna Medical Centre. Naging kapuna-puna kasi henry na personal na sasakyan ni ampatuan senior ang ginamit niya kahit pa guwardyado ng mga otoridad habang bumibyahe.