Latest Video

Noynoy told: Too early to raise People Power call!

Pinayuhan si Senador Noynoy Aquino ng mga kapwa kandidato na mag-hinay hinay sa pagbibigay ng pahayag kasunod ng pahiwatig ni Aquino na magkaka-People Power kapag nagkadayaan. Magba-Bandila si Jenny Reyes, Bandila, Mayo 3, 2010

Pacquiao: Mom to decide on my next fight

Malabong matuloy ang laban nina boxing champ Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.! Ito ang pahiwatig ng kampo ni Pacman. Ayon naman kay Pacquiao, na abala ngayon sa pangangampanya, nakadepende ang susunod niyang laban sa desisyon ng kanyang Mommy Dionisia. Bandila, Mayo 3, 2010

Gov't lost millions in developers’ 'housing scam'

Nalugi ng bilyon-bilyong piso ang gobyerno dahil sa mga housing loan na pinakinabangan umano ng mga developers at ng mga kumpanya ni Manny Villar. Reklamo ng mga umutang, pineke ang kanilang mga dokumento para agad mabayaran ang mga developers, habang sila ay baon sa utang at nagtitiyaga sa mga sub-standard na pabahay.

Nilinaw naman ni Attorney Nalen Galang, abogado ni Senador Manny Villar, na walang pananagutan ang mga kumpanya ni Villar sa gobyerno at lahat ng mga pabahay ay nai-turnover sa Pag-Ibig. Nagpa-Patrol, Ces Oreña-Drilon. TV Patrol World, Lunes, Mayo 3, 2010
 

PCOS machines encounter problems in tests

Pitong araw bago ang halalan, sinubukan na sa mga presinto kung gagana ang PCOS machines! Pero bukod sa ayaw tanggaping balota, iba rin ang bilang ng makina pagdating sa mga lokal na kandidato. Exclusive, nagpa-Patrol, Zyann Ambrosio. TV Patrol World, Lunes, Mayo 3, 2010  

PCOS machines’ failed tests spur call for manual counting

Pumalpak ang mga PCOS machine sa ilang lugar sa Batangas sa ginawang testing kanina. Magkaiba kasi ang resultang inilabas ng makina sa resulta ng mano-manong bilangan. Exclusive, mula Batangas nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol World, Lunes, Mayo 3, 2010
 

Boto Patrollers ready for election day

Mga Boto Patroller, ihanda na ang mga cellphone at camera dahil isang linggo na lang ang natitira bago ang botohan. Ipadala ang mga litrato at video ng mga sumbong niyo na may kinalaman sa halalan. TV Patrol World, Lunes, Mayo 3, 2010

Will Charice’s mom now allow suitors for her daughter?

Sinagot naman ng ina ni Charice kung puwede nang magka-boyfriend ang Pinay sensation na malapit nang mag-debut! Nagpa-Patrol Ginger Conejero. TV Patrol World, Lunes, Mayo 3, 2010

Are the major TV networks really biased?

Pinagdidiskitahan ng ilang pulitiko ang media sa umano'y hindi patas na pagbabalita. Base sa pag-aaral at dalawang survey, may pinapanigan nga ba ang mga tagapaghatid ng balita? Nagpa-Patrol, Jing Castañeda. TV Patrol World, Lunes, Mayo 3, 2010