Tv Patrol World

A change of image for Kris Aquino

Kasabay ng panunumpa ni president-elect Benigno Aquino III, magbabago na rin ng imahe ang presidential sister na si Kris Aquino. Exclusibong ipinakita ng mga designer ni Kris ang simple pero glamorosang gown na isusuot niya sa inagurasyon, at ang pagbabago sa kanyang daily wardrobe. Exclusive, nagpa-Patrol Jing Castañeda. TV Patrol World, Biyernes, Hunyo 25, 2010

Ex-housemates reveal their PBB Big Winner bets

Isang tulog na lang bago ang "big night" ng Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010!  At kung may sari-sarili na kayong pambato sa inyong mga bahay, may kanya-kanyang pambato na rin ang ex-teen housemates para maging big winner! Nagpa-Patrol, Marie Lozano. TV Patrol World, Biyernes, Hunyo 25, 2010

ILO honors Kapamilya journalist

Sa unang pagkakataon, isang Filipino journalist at isang Kapamilya ang ginawaran ng international award mula sa United Nations. Nagpa-Patrol, Marie Lozano. TV Patrol World, Biyernes, Hunyo 25, 2010

Pacquiao ends 10-day crash course for Congress

Pormal nang nagtapos si People's Champ Manny Pacquiao sa kanyang 10-day course sa public administration at governance. Ito ay bilang paghahanda ni Pacman sa pagsabak niya sa kamara. TV Patrol World, Biyernes, Hunyo 25, 2010

Police eye ‘love triangle’ in slay of Maguinanao massacre witness

Walang kinalaman sa Maguindanao Massacre ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa pagpatay sa isa sa mga pangunahing testigo sa massacre. Ang sabi ng pulisya, love triangle daw ang motibo sa pagpatay! Sinisisi naman ng mga kaanak ng biktima ang DOJ. Exclusive, nagpa-Patrol, Lerio Bompat. TV Patrol World, Biyernes, Hunyo 25, 2010

TV Patrol features Pinoy jujitsu champ Eros Baluyot

Muling namayagpag ang Pinoy sa ibang bansa nang mag-kampeon ang isang Pinoy sa World Brazilian Jujitsu Championship sa Amerika. Ang nakakabilib na kuwento ni Eros Baluyot sa pagpa-Patrol ni TJ Manotoc. TV Patrol World, Biyernes, Hunyo 25, 2010

The young Noynoy through the eyes of 'Yaya Cora'

Ilang araw na lang ay magiging ganap na pangulo na si President-elect Benigno Aquino III. Hindi sukat akalain ni Lola Cora, ang dating yaya ni Aquino, na ang batang alaga niya noon ay pangulo na ng bansa. Kilalanin ang batang Noynoy sa mata ni Lola Cora. Exclusive, nagpa-Patrol, Ces Oreña-Drilon. TV Patrol World, Biyernes, Hunyo 25, 2010

FPJ’s daughter to head MTRCB under Aquino?

Napipisil ng Directors Guild of the Philippines at iba pang taga-showbiz na ma-appoint ang anak ng yumaong si Fernando Poe Jr. at Susan Roces na si Mary Grace Poe-Llamanzares bilang susunod na chairman ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB. 'Yan sa exclusive na pagpa-Patrol ni Mario Dumaual. TV Patrol World, Biyernes, Hunyo 25, 2010