Ibinida ngayon ni Senador Manny Villar ang kanyang ina kasabay ng mass oathtaking ng mga miyembro ng Nacionalista Party sa Batangas. Nanindigan naman ang partido Liberal na hindi lang dahil sa kanyang magulang kaya nananatiling mataas sa survey si Senador Noynoy Aquino. Nagpapatrol, Adrian Ayalin.
11/21/2009 11:36 PM
Kakaunti na nga ang suplay, patuloy pang tumataas ang presyo ng mga nabibiling asukal sa merkado. Kasabay nito ay nagbanta ang mga panadero na posibleng tumaas ang presyo ng tinapay dahil sa mataas na presyo ng asukal. Nagpapatrol, Apples Jalandoni.
11/21/2009 11:35 PM
Dumadami na ang bilang ng mga sasakyan na nabiktima ng pambabato sa kahabaan ng North Luzon Expressway. Agad naman itong pinaimbestigahan ng pamunuan ng NLEX habang todo bantay na rin ang pulis. Nagpapatrol, Cecille Lardizabal
11/21/2009 11:32 PM
Kasabay ng pagsisimula sa pagsusumite ng certificate of candidacy sa Comelec kahapon, nagsilutang na ang mga kakaibang kandidato at sa unang ratsada ng "Tambayan sa Halalan". Kilalanin "wash your car boy" na nangangarap maging pangulo ng bansa, sa tambayan ni Marc Logan.
11/21/2009 11:31 PM
Sinagot ni Batangas Governor Vilma Santos ang mga isyung sila ni dating NEDA Secretary Ralph Recto ang dahilan kaya binawi ni dating Senador Serge Osmena ang kanyang suporta sa Aquino-Roxas ticket ng Liberal Party. Nagbigay din siya ng pahayag sa hiwalayang Pinky Webb at Edu Manzano.
11/21/2009 12:57 AM
Nagpasiklab ang Korean superstar na si Rain sa martial arts film na "Ninja Assassin." Mala-Bruce Lee ang stunts ni Rain na posibleng bumisita sa Pilipinas ngayong taon.
11/21/2009 12:53 AM
Labis ang saya ni Manny Pacquiao sa kanyang pag-uwi ng WBO welterweight championship belt sa bansa. Mainit na sinalubong ang pound-for-pound king sa kanyang pagdating sa bansa kanina mula Los Angeles, California. Sa isang interview, sinabi ni Pacquiao na handa niyang labanan si Floyd Mayweather Jr. upang makuha ang titulong "Fighter of the Decade."
11/20/2009 11:36 PM
Libo-libong tagahanga ni Manny Pacquiao ang nag-abang sa motorcade ng pound-for-pound king kanina. Marami sa fans ni Pacquiao, ipinagtanggol ang kanilang idolo sa isyung nag-uugnay sa kanya sa sexy starlet na si Krista Ranillo.
11/20/2009 11:24 PM