Tinanghal na kauna-unahang Pinoy hotdog king ang isang jeepney driver sa Pasay City matapos nitong kainin ang labing-anim na jumbo hotdogs sa loob lang ng labintatlong minuto. 'Yan ang tinambayan ni Marc Logan exclusive. TV Patrol Linggo, Nobyember 22, 2009
11/23/2009 2:46 AM
Pinasusuko ng kanyang sariling ina ang suspek sa pamamaslang sa anak ni Undersecretary Renato Ebarle Sr. ng Malacañang. Handa rin ang kanyang tiyuhing si Freddie Aguilar na samahan sa mga otoridad ang pamangkin oras na magdesisyon itong sumuko. Nagpa-Patrol Zyann Ambrosio. TV Patrol Linggo, Nobyember 22, 2009
11/23/2009 2:46 AM
Mainit din ang pagsalubong ng mga taga-General Santos City at Sarangani province sa pound-for-pound king at bagong WBO welterweight champion na si Manny Pacquiao sa kabila ng mga intriga sa kanyang 'love life.' Nagpapatrol, Anne Santos.
11/21/2009 11:38 PM
Ibinida ngayon ni Senador Manny Villar ang kanyang ina kasabay ng mass oathtaking ng mga miyembro ng Nacionalista Party sa Batangas. Nanindigan naman ang partido Liberal na hindi lang dahil sa kanyang magulang kaya nananatiling mataas sa survey si Senador Noynoy Aquino. Nagpapatrol, Adrian Ayalin.
11/21/2009 11:36 PM
Kakaunti na nga ang suplay, patuloy pang tumataas ang presyo ng mga nabibiling asukal sa merkado. Kasabay nito ay nagbanta ang mga panadero na posibleng tumaas ang presyo ng tinapay dahil sa mataas na presyo ng asukal. Nagpapatrol, Apples Jalandoni.
11/21/2009 11:35 PM
Dumadami na ang bilang ng mga sasakyan na nabiktima ng pambabato sa kahabaan ng North Luzon Expressway. Agad naman itong pinaimbestigahan ng pamunuan ng NLEX habang todo bantay na rin ang pulis. Nagpapatrol, Cecille Lardizabal
11/21/2009 11:32 PM
Kasabay ng pagsisimula sa pagsusumite ng certificate of candidacy sa Comelec kahapon, nagsilutang na ang mga kakaibang kandidato at sa unang ratsada ng "Tambayan sa Halalan". Kilalanin "wash your car boy" na nangangarap maging pangulo ng bansa, sa tambayan ni Marc Logan.
11/21/2009 11:31 PM
Sinagot ni Batangas Governor Vilma Santos ang mga isyung sila ni dating NEDA Secretary Ralph Recto ang dahilan kaya binawi ni dating Senador Serge Osmena ang kanyang suporta sa Aquino-Roxas ticket ng Liberal Party. Nagbigay din siya ng pahayag sa hiwalayang Pinky Webb at Edu Manzano.
11/21/2009 12:57 AM