Hindi sumipot sa hearing sa Senado si First Gentleman Mike Arroyo dahil hindi siya pinayagan ng kanyang doktor. Pero, sa ospital inabutan ng media si FG. Sinabi niya na kaya siya idinadawit sa mga kontrobersya ay dahil gusto na siyang tuluyan ng kanyang mga kalaban. TV Patrol, Huwebes, Pebrero 12, 2009
02/12/2009 9:46 PM
Humabol sa paparating na Valentine's Day ang mga nagmamahalan sa Muntinlupa City! Mahigit 200 pares ang nagpakasal para daw maise-celebrate nila ang Araw ng mga Puso bilang mag-asawa. TV Patrol, Huwebes, Pebrero 12, 2009
02/12/2009 9:28 PM
Moro-moro lang! ‘Yan ang tingin ni Senador Panfilo Lacson sa ginawang Senate hearing kanina ukol sa sabwatan umano ng mga kontratista sa mga proyekto ng World Bank. TV Patrol, Huwebes, Pebrero 12, 2009
02/12/2009 9:03 PM
Restawran na walang business permit at sobra ang ingay lalo na sa gabi. Yan ang reklamong binantayan ni Adrian Ayalin, sa Bayan Mo, i-Patrol Mo! TV Patrol, Huwebes, Pebrero 12, 2009
02/12/2009 8:57 PM
Isinusulong na sa Kamara ang pagbuo ng isang government corporation para masigurong may makukuha pa ring pera ang mga planholders sakaling tumiklop ang isang pre-need company. Nagpa-Patrol, Zen Hernandez. TV Patrol, Miyerkules, Pebrero 11, 2009
02/11/2009 9:09 PM
Ipinaaalis na ng Korte Suprema si Lance Corporal Daniel Smith sa kanyang selda sa US embassy! Dahil dito, posibleng mailipat sa bilibid ang Amerikanong sundalo na nahatulan sa Subic rape case! Kinikilalang mahalaga ang desisyong ito dahil ito ang magiging batayan sa mga susunod pang kasong kriminal na kasasangkutan ng mga tropang Amerikano. Live sa may US embassy sa Maynila, nagpa-Patrol, Marieton Pacheco. TV Patrol, Miyerkules, Pebrero 11, 2009
02/11/2009 9:01 PM
Naghahanda na ang Bureau of Fire Protection sa pagdiriwang ng Valentine's Day. Ngayon pa lang ininspeksyon na nila ang mga hotel at motel na madalas dinadagsa tuwing Araw ng mga Puso. Nagpa-Patrol, Wheng Hidalgo. TV Patrol, Miyerkules, Pebrero 11, 2009
02/11/2009 8:57 PM
Tuluy-tuloy man ang pagtugis ng militar sa grupo ng Abu Sayyaf na may hawak sa tatlong dinukot na Red Cross workers, bahagyang nagluwag ng seguridad ang mga sundalo para makapagpasok ng pagkain sa lugar kung saan naroon ang mga bihag. Nagpa-Patrol, Ces Oreña Drilon. TV Patrol, Miyerkules, Pebrero 11, 2009
02/11/2009 8:54 PM