
Tv Patrol World
Vilma Santos takes showbiz hiatus for Batangas
Sa unang pagkakataon, sabay na nanumpa sina Batangas Governor Vilma Santos at Senador Ralph Recto. Tila muling pag-iisang dibdib ang eksena sa panunumpa ng mag-asawa kung saan inanunsyo ni Governor Vi ang pansamantala nyang pag-alis sa showbiz, dahil sa batikos sa kanya bilang "absentee governor." Mula Batangas, nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol World, Lunes, Hunyo 28, 2010
2 Pinoys die in Oman accident
Sa bansang Oman sa Middle East, patay ang 2 Pinoy at isa ang sugatan matapos mabundol sa Seeb, Oman noong Huwebes ng gabi! TV Patrol World, Lunes, Hunyo 28, 2010
Historic Manila Hotel ready to welcome VIPs
Inaasahang dadagsain ang Manila Hotel ng mga VIP na dadalo sa inauguration nina President-elect Benigno Aquino III at Vice President-elect Jejomar Binay. Kaya naman naghahanda na ang pamunuan ng hotel. Exclusive, nagpa-Patrol, Henry Omaga-Diaz. TV Patrol World, Lunes, Hunyo 28, 2010
Will it rain on Aquino’s inauguration?
Dalawang tulog na lang at inagurasyon na ni President-elect Noynoy Aquino. Kaya kanina, puspusan ang paghahanda at praktis sa Quirino Grandstand, para masigurong maayos ang makasaysayang okasyon. Isa na lang ang pino-problema sa ngayon -- ang posibleng pag-ulan sa Miyerkules! Nagpa-Patrol, Jorge Cariño. TV Patrol World, Lunes, Hunyo 28, 2010
Wild animals rescued from pet shops in Bicol
Kinumpiska ng animal rescue group sa ka-Bikulan ang ibat-ibang wild animals na inaalagaan ng ilang residente o ibinebenta sa pet shops!
Nagpa-patrol Jose Carretero.
Noynoy's cousin loses iPad to thieves
Nabiktima ng bukas-kotse gang sa san juan ang pinsan ni President-elect Noynoy Aquino. Naaresto naman ang isang lalaki at nabawi ang ninakaw na gamit. Exclusive, Nagpapatrol, Francis Fulve.
5 injured as grenade explodes in Naga
Sugatan ang limang tao sa pagsabog ng granada na inihagis ng isang lalaking nasangkot sa banggaan sa Naga. Nag-alok na ng pabuya para mahuli ang suspek. Nagpapatrol, Gerard Lorbes.
Partial lunar eclipse seen in Legaspi City, QC
Naging mapusyaw na pula ang buwan sa partial lunar eclipse na nasaksihan ng mga taga-Legaspi City sa Albay bandang alas siyete kagabi. Tumagal ito ng dalawang oras. Tuwing may eclipse, nabubuhay ang haka-haka ng mga residente na mahihirapan sa panganganak ang isang buntis. Pero ayon sa PAGASA, walang dapat ikatakot dahil normal lamang ang eclipse. Ikalawang lunar eclipse na ito ngayong taon, at una ay noong January 1. Sa tanggapan ng PAGASA sa Quezon City, nasaksihan din ang partial lunar eclipse nang tumila ang ulan.