Aquino makes case for admin bets

Posted at 02/12/2013 11:19 PM | Updated as of 02/13/2013 1:27 PM

MANILA, Philippines - President Benigno Aquino on Tuesday made his case for the administration's senatorial candidates at Plaza Miranda, saying that he needs allies in office to continue the programs and reforms that his administration has started.
 
Aquino brought up anew the controversies that rocked the previous administration, warning that there are those who want to bring back the old system.
 
"Hindi po natin ito kailan man dapat makalimutan-at hindi tayo papayag na maulit pa ito. Tandaan po natin: nariyan pa rin ang ilang mga alipores ng nakaraang administrasyon, at ang mga kauri nila-pareho pa rin ang istilo, hindi pa rin nagbabago ang ugali. Alam po n'yo, sa tuwing magbubukas tayo ng bibig, agad nila tayong sinisiraan, gaano man kababaw, para lang mapansin sila. Minsan nga, pilit pa silang naglalagay ng salita sa bibig natin, na para bang mayroon pa silang maloloko sa harap ng tinatamasa nating pagbabago," he said.
 
"Ayaw nilang manaig ang tuwid na daan; ayaw nilang pumanig sa taumbayan. Ang balak nila: imaniobra mula ang pamahalaan pabalik sa lumang sistema. At ang tanong ko po ngayon sa aking mga Boss: hahayaan ba ninyong mangyari ito?"
 
Aquino scoffed at certain candidates, saying they include allies of the former administration.
 
"Dito sa atin, iisa ang ating tutok: Ang katuparan ng ating mga pangarap. Sa kabila naman po, lahat na yata ng punto ng compass, sinaklaw; lahat ng latak ng lumang sistema, isinama. Saan po kaya tayo pupulutin, kung ganoong naghahatakan sa sali-saliwang direksyon ang pipiliin nating mga kasama? May ilan sa kanilang magsasabing, nilalabanan namin ang katiwalian. Matanong ko lang po: Kung ganoon, bakit ninyo kakampi ngayon ang mga tagapagtanggol at nakinabang sa nakaraang administrasyon? Ano po ba talaga ang pinaninindigan ninyo?"