PNoy: PH ready to defend territory

Posted at 07/26/2012 4:59 PM | Updated as of 07/26/2012 10:40 PM

MANILA, Philippines - President Aquino said that while the Philippines stands ready to defend its territory in the event of an armed conflict, the country is committed to a peaceful resolution of the territorial dispute.
 
“We are always ready, based on our own limitations. Pero siguro talk of having an armed conflict might enhance the prospects of having an armed conflict. And let us reiterate, our interest is a peaceful resolution of this conflict,” Aquino told reporters when asked about observations that the situation in the South China Sea has deteriorated to the point that it could lead to an “armed conflict.”
 
In his speech during the celebration of the 114th anniversary of the Department of Foreign Affairs, the President said that the Philippines is open to a peaceful settlement over the disputed areas based on international law but reiterated that territory that clearly belongs to the Philippines should not be disputed.
 
“Malinaw po ang ating paninindigan: May mga teritoryo pong kailangang pag-usapan at pagpasyahan ang pagmamay-ari, at may mga lugar na hindi na dapat kuwestyunin dahil malinaw na teritoryo natin. Sa lahat ng pagkakataon, bukas tayo sa mapayapang paglutas sa usaping ito nang naaayon sa batas at kasunduan ng mga bansa,” Aquino said.
 
He said a binding code of conduct in the South China Sea would ensure the protection of the country’s sovereign rights.
 
“Nagpapasalamat po tayo sa walang humpay na pagsisikap ng DFA sa pagtataguyod ng code of conduct upang pangalagaan ang ating karapatan sa West Philippine Sea, na kasalukuyang dahilan ng banggaan ng mga bansang umaangkin sa teritoryong saklaw nito,” Aquino said. 
 
Aquino declined to comment on reports that a fleet of Chinese vessels has been deployed near Pag-asa Island, but said it is for the rest of the world to see what is happening and stressed the importance of letting calmness prevail.
 
“Hindi na ako magkokomentaryo sa kilos ng ibang bansa dahil palagay ko magiging testigo ang buong mundo sa nangyayari sa ating Panatag Shoal, Bajo de Masinloc. At magbibigay lang tayo siguro pa ng senyas nito kung ano ang dapat nating gawin para isulong ang interes ng bansa.

"So ulitin ko lang ho, sinabi ko nung SONA, sinabi ko nitong araw na ito, kailangan nating ng hinahon, kailangan ng pagsasaliksik nang mabuti at mareresolba natin ‘yan at talagang mapapangalagaan natin ang interes ng sambayanan,” Aquino said. 
 
He said it is important to preserve cordial relations among nations while ensuring the country’s territorial integrity.
 
“Hinahon, pagtitimpi at ibayong pagsasaliksik din po ang itinaguyod ng DFA at mga katuwang na ahensya sa pagpapatibay ng ating pagmamay-ari sa Benham Rise, na sinegundahan ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf. Umaabot sa mahigit 135,000 kilometro kwadrado at lampas pa sa ating 200 nautical mile na exclusive economic zone ang sakop ng Benham Rise. Hitik ito sa likas na yaman tulad ng iba’t ibang mineral at natural gas na maaari nating mapakinabangan sa mga susunod na panahon. Isinusulong natin ang mga adhikaing ito habang sinisiguro ang maayos na pakikipag-ugnayan sa ating mga karatig bansa. Iginagalang natin ang karapatan ng ibang mga bansang kasalo natin sa nag-iisang mundo sa panahong sibilisado,” he said.