Transcript of hostage-taker's last radio interview

Posted at 08/30/2010 9:41 AM | Updated as of 08/30/2010 4:23 PM

MANILA, Philippines - A transcript of hostage-taker Rolando Mendoza's last conversation with a radio broadcaster showed that he was willing to die during the August 23 hostage incident in Manila.

Mendoza talked with Radio Mo Nationwide (RMN) anchor Michael Rogas during the 11-hour hostage incident at the Quirino Grandstand in Rizal Park.

In one part of the interview, Rogas asked the hostage-taker if he wanted food brought to the tourist bus for himself and his 25 hostages.

Mendoza answered: "Ako po ay nakalaan na akong magutom. Kanina pa 'ko hindi kumakain dahil alam ko na magiging sitwasyon sa buhay ko. Handa na kong mamatay ngayong araw na 'to."

(It's OK for me to go hungry. I haven't eaten because I know what my situation in life will be. I am prepared to die this day.)

He also revealed that he had spoken to Ombudsman Merceditas Gutierrez and told her that she would be at fault if anything bad happened to the hostages. Mendoza had asked the Ombudsman to dismiss all the cases against him.

"I talked to Gonzales and Gutierrez and told them: You are at fault if this gets worse," the hostage-taker told Rogas.

Below is a partial transcript of Mendoza's RMN interview as aired on a GNN report:

MICHAEL ROGAS: Captain, sa papaaanong paraan po ninyo gustong matapos itong isyung ito, itong sitwasyong ito?  (Captain, how do you want this issue, this situation to end?)

MENDOZA: Ayun nga, yung Ombudsman, ang sabi, re-review-hin, rerepasuhin. Ang gusto ko, dalhin nila rito ngayon ang order kung ako’y talagang dismissed. Yung final order nila na ako’y dismissed o na-issue-han ng dismissal order. Yun ang gusto kong mangyari: final order. Yung ginawa kanina, sulat lang ‘yun. Para ako’y ma-satisfy sa harap ng aking in-laws. Hindi tama ‘yun, mali ‘yun.

(They said the Ombudsman will review my case. What I want is for them to deliver the order if I’m really dismissed from service. The final order, saying I’m dismissed or was issued a dismissal order. That’s what I want: final order. What they delivered earlier was just a letter. For me to be satisfied in front of my in-laws. That was wrong.)

MICHAEL ROGAS: Kapitan, meron po kayong pakiusap sa pamamagitan po ng RMN, nakikinig po ang mga pulis ngayon. May pakiusap kayo sa pulis, lalung-lalo na dun sa mga sniper?

(Captain, is there anything you want to tell the police? They are listening to the RMN radio station right now. Do you have anything to say, especially to the snipers?)

MENDOZA: ‘Yang mga sniper, pag hindi sila nagsialis sa kanilang mga pwesto ay sasampolan ko sila. Ii-snipe-in ko ‘kako itong nasa pintuan.

(These snipers, if they won’t go away, I’ll give them a sample. I’ll shoot this one at the door.) Note: Masa Tse, the tour guide, was handcuffed by Mendoza at the door of the bus. He was eventually killed.

MICHAEL ROGAS: Ok, sa oras na ito, na quarter to seven na po ang oras dito po sa aming himpilan. Quarter to seven na ng gabi. Ano na po ang huling desisyon ninyo? (Ok, it’s now quarter to 7 p.m. What is your final decision?)

MENDOZA: Eh wala na po. Kasi nakikita ko ang dami nang SWAT na dumarating. Ang daming SWAT na dumarating, nakikita ko sa palibot. Ako naman, alam ko papatayin din nila ako. Kaya magsialis na sila dahil anytime, gagawin ko din ‘yun dito.

(I see a lot of SWAT coming. Many SWAT members are here, I see them all around. I know they are going to kill me. They should go away because anytime, I’ll do the same here on the bus.)

MICHAEL ROGAS: Sino na po talaga ang gusto ninyong makausap maliban po sa media? 

(Who else do you want to talk to besides the media.)

MENDOZA: Eh yung pinaka reliable. Yung totoo ang sasabihin sa 'kin  kasi ayaw ko yung sinisinungalingan lang ako.

(Someone who is really reliable, who will tell me the truth. I don't want someone who will just tell me lies.)
 
MICHAEL ROGAS: Sino yun? (Who is that?)

MENDOZA: Media. Media lang din. (Media. I just want the media.)

At this point of the interview, Mendoza is watching on TV the arrest of his brother, SPO2 Gregorio Mendoza.

MENDOZA: Oh, yung kapatid ko nakikita ko, bakit nila ginaganyan? Akong may kasalanan dito, walang kasalanan ‘yan! Walang kasalanan ‘yan. Ipakita niyo na pinakawalan ninyo kapatid ko! Ipakita nila, pagka hindi titirahin ko ang mga nandirito sa loob!

(I can see my brother, why are they doing that? I’m the one at fault here, not him! He’s not at fault. Show me that he’s being freed! Show me or else I’ll start shooting the people here!)

MICHAEL ROGAS: Kalma lang po… (Please remain calm…)

MENDOZA: Sabihin mo sa kanila, sabihin mo sa kanila ‘yan! (Tell them that, tell them that!)

MICHAEL ROGAS: Opo, tinatawagan na po. (Yes, we’re already calling.)

MENDOZA: Ipakita nila, ipakita nila dito sa kaliwa, sa kaliwa! Makita ko sa kaliwa ng bus. Palakarin nila ang kapatid ko diyan! Pagka hindi… ito, talagang ano. Aanuhin ko dito lahat-lahat.

(Show it, show it at the left! Make sure I see it at the left side of the bus. Make my brother walk away! Or else, I’ll… I’ll…)

MICHAEL ROGAS: Opo, tinatawagan na po namin ang PNP. Easy lamang po. (Yes, we’re already calling the Philippine National Police. Please take it easy)

MENDOZA: Wala naman kasalanan yang kapatid ko. Hindi nila alam ang pangyayari dito. (My brother is not fault. They didn't know what's happening here.)

MICHAEL ROGAS: Kalma lang po tayo dahil kami na po ay nakikipag-ugnayan na po sa PNP. Humuhupa na rin naman po ang mga pulis, ano po. (Please stay calm because we are now contacting the PNP. The police are also starting to calm down...)

MENDOZA: Ayan o, binibitbit ‘yung kapatid kong pulis. Walang kasalanan ‘yan, bakit nila bibitbitin yan? Sasabihin nila, accessory, hindi accessory ‘yan! Ako lang mag-isa ang gumawa nito. Ayan nakikita ko. Nakikita ko ‘yung ginagawa nila sa kapatid ko, ayun o! Pulis yan eh, walang kasalanan ‘yan! Walang kasalanan ‘yan!

(There! They’re arresting my brother who's a cop. He’s not at fault, why are they taking him? They’d say, accessory, he’s not an accessory! I’m the only one who did this. I can see it. I see what they’re doing to my brother. He’s a cop, he's not part of this. He’s not part of this!)

MENDOZA: Pakawalan nila ‘yan, pagka hindi, eto, babarilin ko ‘yung nasa unahan! Sabihin mo sa kanila. Sabihin mo sa kanila. Ayan o, nakikita ko rito, ayun o, nasa TV. Ginagawa nilang baboy ang kapatid ko na pulis! Walang kasalanan ‘yan! Hindi niya alam ang pangyayaring ito. Ngayon niya lang nalaman sa TV. Bakit nila gaganyanin? Wala ‘yan. Walang kasalanan ‘yan!

(Let him go, or I’ll shoot this one at the door! Tell them that. Tell them that! I’m seeing it here, it’s on TV!  They’re treating my policeman brother like a pig! He’s not at fault. He doesn’t know anything. He knew this just now on TV. Why are they doing that to him? He’s not a part of this!)

MENDOZA: Ayun o. Ito, lalala lamang ito sa ginagawa ng mga pulis na ‘yan! Sabihin mo sa kanila. P*tangina! O, hindi nila pakakawalan ‘yan? P*tangina! Oh, babarilin ko na ito! Pakawalan ninyo ‘yan! Babarilin ko na ito!

(This will only get worse because of what the police are doing! Tell them that! [expletive] They won't set him free? [expletive] I’ll shoot this person! Set him free! I’m going to start shooting!)

MICHAEL ROGAS: Sandali po. Huwag po kayong magpapaputok. Captain Mendoza… (To Erwin Tulfo) Pakibilisan lang yung ground commander…

(Hold on. Do not fire your gun. Captain Mendoza… (To Erwin Tulfo) Erwin, please hurry to the ground commander…)

MENDOZA: Ayan pinosas na! ‘Pag hindi nila pinakawalan ‘yan, babarilin ko na ‘to! (They already handcuffed him! If they won’t set him free, I’ll shoot this person!)

MICHAEL ROGAS: Captain Mendoza, tinutulungan na po namin kayo… (Captain Mendoza, we’re already helping you…)

MENDOZA: Wala dinederetso-diretso nila. Pag umalis at hinuli nila kasama ang kapatid ko, babarilin ko yung nasa unahan, Babarilin ko na 'tong lahat-lahat.  (They just went through with it. If they go away and bring my brother, I am going to shoot the one in the front. I am going to shoot everybody.)

MICHAEL ROGAS: Captain Mendoza! Captain Mendoza!

At this point, Mendoza is no longer speaking to the interviewer as a commotion ensues inside the bus.

He later told the interviewer that he had shot 2 of the Chinese tourists and that he would kill everyone on the bus if the SWAT team does not go away.

MENDOZA: Binaril ko na yung 2 Chinese. Pagka hindi nila binago yung ganitong sitwasyon, ako mamamaril dito sa loob. Uubusin ko 'to! Uubusin ko pagka hindi sila tumigil ng kakatakbo diyan sa gilid. Uubusin ko to!

(I shot 2 of the Chinese. If they don't change the situation, I'm going to start shooting in here. I'll finish off everyone! I'll kill everybody if they don't stop running beside the bus. I'll finish off everyone!)