Nararapat na sigurong magkaroon ang bawat Pilipino ng isang Political Reconciliation.
Kung ating sasariwain ang political history ng Pilipinas sa nakaraang mahigit na dalawampung taon ay
nagkaroon lamang ng isang political main event sa dalawang pamilya sa bansa, ang clash ng pamilya
“Marcos-Aquino”.
Yun lamang ang napagtuusan ng pansin ng sambayanan at nalimutan na yung ibang laban sa arena;ang
buhay at pag-unlad ng masang Pilipino.
Sa labanang ito ang na knockout di lamang ng isang ulit ay ang masang Pilipino, mula noon hanggang sa
kasalukuyan.Na sa kabilang dako ay ikinatuwa at patuloy pa ring ginagamit na plataporma ng mga traditional
politicians sa bansa (Trapos) para lamang makamtam ang kanilang maruming simulain.
Kung tutuusin mas mainam pa ang buhay natin noon kumpara sa ngayon.
Ang corruption ay higit pang lumala kumpara sa sinasabing diktaturyang Marcos.
Mahigit na dalawampung taon na ang nakaraan,apat na pangulo na ang nahalal,pero hangang sa ngayon ay
patuloy pa rin nila itong ginagamit na agenda gayong kinalawang na ang issue na ito
Umunlad ba ang bansa mula noon? Kung tutuusin mas lumala pa.Nagkaroon ng mass exodus ng mga professionals
sa ibang bansa dahil sa kawalang pagtitiwala sa gobyerno.Dumami OFW’s na nagsasalba lamang ng ekonomiya
ng bansa.Bumaba ang antas ng pamumuhay, sa edukasyon, kalusugan atbp..
Siguro pagtuunan natin ay ang tamang pagpili ng mga kakandidato.Yung me political will,no matter what affiliation
he got as long he can deliver.Me panlaban tayo,yung boto natin.
At this point it's about for the Marcoses to prove something in return to uplift the family dignity.Let's forget the black history in politics muna;if Bongbong is qualitied to run in the future why not?Lets accept him.As the we forgived those convicts of corruption in the government and still harboring the fruits of our country's economy.It's a challenge to democracy that we fight for!
Yung kasalanan ng ama o ng ina,huwag nating ibunton sa anak.Don't get me wrong,I'm not a Marcos baby,I was once an activist who walked the streets against the martial rule before.My only wish is to be a proud and a dignified Filipino.Thanks for reading Kababayan.
Submitted by Ren on Wed, 10/07/2009 - 22:54.revalca













Comments