PNoy: Christmas in PH is special

Posted at 12/25/2012 11:59 AM | Updated as of 12/25/2012 5:54 PM

MANILA, Philippines - President Aquino on Tuesday said Christmas in the Philippines is so much more special because the celebration lasts longer.

In his annual Christmas message, the President said Filipinos look forward to Christmas as early as September in anticipation of the gifts they will receive and the family get-togethers on Christmas Day.

He, however, added the true meaning of Christmas cannot be found in the tinsel, gifts and lavish parties that mark the season.

"Sa gitna ng ating mga pagdiriwang, lagi sana nating tandaan ang mga kuwentong bumubuo sa Kapaskuhan; ang pag-aalay ng Panginoon ng kaniyang bugtong na anak para tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Bahagi rin ng aral ng Kapaskuhan ang pagiging bukas-paladng isang estrangherong nagkusang pagbuksan ng pinto sina Jose't Maria, at hinayaan silang magpalipas ng gabi sa munting sabsaban; na may tatlong haring nagsakripisyo't hindi inalintana ang mahabang paglalakbay, maihatid lamang ang kanilang mga handog sa banal na sanggol. Ang okasyong ito, higit sa lahat, ay tanda ng wagas na pagmamahal ng Panginoon sa atin," he said.

Below is President Aquino's full Christmas message:

Kilala tayong mga Pilipino sa pagkakaroon ng pinakamahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Setyembre pa lang, nasasabik na ang lahat dahil sa mga aguinaldong kanilang tatanggapin, gayundin sa pagsasama-sama ng buong pamilya habang pinagsasaluhan ang Noche Buena. Subalit hindi maikakahon sa mga regalo, sa mararangyang salu-salo, o sa mga makukulay na palamuti ang tunay na diwa ng Pasko.

Sa gitna ng ating mga pagdiriwang, lagi sana nating tandaan ang mga kuwentong bumubuo sa Kapaskuhan; ang pag-aalay ng Panginoon ng kaniyang bugtong na anak para tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Bahagi rin ng aral ng Kapaskuhan ang pagiging bukas-paladng isang estrangherong nagkusang pagbuksan ng pinto sina Jose't Maria, at hinayaan silang magpalipas ng gabi sa munting sabsaban; na may tatlong haring nagsakripisyo't hindi inalintana ang mahabang paglalakbay, maihatid lamang ang kanilang mga handog sa banal na sanggol. Ang okasyong ito, higit sa lahat, ay tanda ng wagas na pagmamahal ng Panginoon sa atin.

Pagkakataon ang Pasko para magpasalamat sa lahat ng biyayang ating natamasa. Sa ngalan ng buong pamahalaan, nagpapasalamat ako sa lahat ng Pilipinong nakiambag sa pagtatag ng kultura ng katapatan at malasakit sa kapwa. Dahil sa kakaibang pagsusumikap na ipinakita sa tuwid na daan, higit na nagiging makabuluhan ang Paskong Pilipino. Ang mga inisyatibang gaya ng Sitio Electrification Program, na ngayon ay nagbibigay-liwanag sa libu-libong pamilya, na dati'y nangangapa sa dilim: Kayo ang gumawa nito. Ang ating Conditional Cash transfer, na umaalalay sa ating mga kababayan tungo sa kinabukasang may saysay, malusog, at maunlad: Kayo rin ang gumawa nito. Ang pagtalikod natin sa negatibismo't agam-agam, habang patuloy na lumalawak ang saklaw ng positibong pagtanaw, sa pamahalaan man o sa kalakhang lipunan: Kayo ang gumawa nito. Hindi pa rin nagbabago: Kayo ang lakas ng gobyerno. Malinaw po: Ang bawat butil ng tagumpay na ating inaani ay nagmula sa ipinunlang pagsusumikap ng sambayanan; Kayo po, ang aming mga Boss, ang gumawa nito.

Lahat nang ito'y sumasalamin sa tunay na diwa ng Kapaskuhan: pagbibigayan, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa ating kapwa.

Muli't muli nating pinatutunayan sa mundo: Bukod tangi ang Paskong Pilipino dahil sa kahandaan ng bawat isang maging tanglaw sa kaniyang kababayan, hindi lamang tuwing Kapaskuhan, kundi sa araw-araw na pagbagtas sa tuwid na daan.

Isang maligayang Pasko po sa inyong lahat.