Maynilad: Water supply interruption in Malabon, Navotas areas
Maynilad Water Services, Inc.
Corporate Affairs & Public Relations
Hulyo 17, 2008
Service Improvement Project Ng Maynilad Sa Malabon/Navotas At Caloocan
MAGSASAGAWA ang Maynilad Water ng pagsasaayos ng pipe network sa Malabon/Navotas at Caloocan bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na mapaganda ang serbisyo. Ito ay magreresulta sa pansamantalang pagkaantala ng suplay ng tubig sa ilang lugar simula 11 p.m. Linggo, Hulyo 20, 2008, hanggang 5p.m., Lunes, Hulyo 21, 2008.
Ang service improvement project ay magbibigay-daan sa pagkakabit ng 700-mm butterfly valve sa existing 750-mm mainline na nasa 10th Ave. malapit sa PNR Track, Caloocan City.
Kasama sa mga apektadong lugar ang Barangay 1 hanggang 22, at Barangay 58 hanggang 78 sa Caloocan City; at ang Barangay Longos sa Malabon/Navotas.
Pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong kustomer na mag-ipon ng tubig para sa itatagal ng water service interruption. Maaari ring tumawag sa Maynilad Water Hotline 1626.