Lorna's first interview after Daboy's death, with Cristy Fermin of The Buzz
abs-cbnnews.com | 06/08/2008 8:37 PM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
For the first time since the death of her husband actor Rudy Fernandez, actress Lorna Tolentino opens her heart and talks about their last moments together, before he succumbed to cancer on Saturday, June 7.
Tolentino talked to Cristy Fermin of The Buzz and revealed her courage, her pain and the great love betwen her and her husband--the love that helped carry them through their battle with illness, and will, hopefully, also help the actress recover from her sorrow and loss.
Related Video
• Excerpt - Lorna Tolentino's exclusive interview on The Buzz
Following is a full transcript of the interview aired on The Buzz on Sunday, June 8.
***********************************
Cristy Fermin: At dito pa rin po sa Heritage Park sa Taguig, sa mismong chapel po kung saan nakalagak ang mga labi ng action star na si Rudy Fernandez, magkakaroon po tayo ng pagkakataong makausap ng eksklusibo ang ilalarawan po namin bilang babaeng pinakamalungkot sa mundo ng pelikula ngayon, si Ms. Lorna Tolentino.
Lorna, mula sa ABS-CBN, sa The Buzz, mula sa mga malalapit na kaibigan, ang aming pakikidalamhati
Lorna Tolentino
: Maraming-maraming salamat.Cristy
: LT alam ko kung gaano mo katapang na hinarap ang buong digmaan na ito sa cancer ni Daboy. Saan ka humuhugot ng lakas ng loob?Lorna
: Siyempre unang-una sa Panginoon. Pero ang pangalawa na mas nalalapitan ko siya. Siya ang nagbibigay ng lakas sa aming lahat. Siyang nagbibigay ng pag-asa, yung courage, na harapin kung ano man itong laban na nilalabanan niya.Cristy:
Sa kabuuan ng laban na ito, may mga pagkakataong sumusuko na rin si Daboy pero ikaw ang nagpakita ng lakas ng loob, para makahugot siya ng lakas ng loob sayo. Anu-ano ang mga pagkakataon na sa palagay mo ay napagtataguan mo siya ng kalungkutan mo? Tumatakbo ka sa CR, doon ka umiiyak?Lorna:
Madalas ganon, madalas ganon, kasi madalas rin na pagka-- meron siyang sabihin, sasabihin niya kaagad 'wag kang iiyak.' Talagang kailangan pigilan mo. So pagkatapos pag may pagkakataon na 'sandali lang, punta lang ako ng banyo,’ yun. Yun yung time na talagang sa pagligo ko, yun ang mga panahon na pwede talaga akong umiyak--Cristy:
Ibinubuhos mo ang emosyon mo--Lorna:
--para paglabas, wala na, naubos na--Cristy:
-- parang naligo ka lang, naghilamos lang?Lorna:
--oo.Cristy:
LT, ito yung pagkakataon na, 'alam mo na 'to eh, na darating ito, dahil tinaningan na si Daboy. Alam mo na ang magiging kahihinatnan ng pakikipaglaban niya sa cancer. May mga paghahanda ng kalooban na nangyari dito. Yung mga habilin. Pwede bang paki-share sa amin kung anong mga habilin sayo ni Daboy bago siya namatay?Lorna:
Katulad nito, yung dito sa Heritage Park, dinaanan namin ito nung pumupunta kaming Asian Hospital. Hindi lang namin natapos agad, pero tiningnan namin yung buong kapaligiran, and may mga kinausap na kaming mga tao. After that, umalis naman kami, pumunta kaming America. So nung pagbalik naman namin at nasa opsital na siya, sabi niya kausapin ko na ulit.Cristy:
LT, gusto ko lang sundutin yung tanong. Sa pag-ikot niyo dito sa Heritage, alam din niyo sa puso niyo na ang pinaghahandaan niyo na ay ang paglalagyan ni Daboy?Lorna:
Ah hindi. Ang iniisip namin pareho, mas mabibigyan pa siguro ng mas mahabang panahon, dahil lahat naman ng tao nagpe-prepera. Ah, we were, with that idea na, alone na, marami namang tao na pinaghahandaan, dahil lahat naman tayo dun patungo, di ba. So siguro, yun yun yung nagiging maganda, ah positibo ang pagtingin namin sa paghahanap naming.Cristy:
Isa ang Heritage Park. Yung tungkol sa bilin niya na kapag malapit na ang sukdulan, yung malapit na ang paghugot ng kanyang huling hininga, ay 'wag ipa-revive. Paki-explain mo iyon.Lorna:
There was ano kasi-- Sumobra yung-- Hay, mahirap magrewind ano pero um--Cristy:
Tao lamang tayo LT at mauunawaan ng publiko ang iyong damdamin sa mga oras na ito.Lorna:
--um kasi itong incident na sinasabi mo this was the incident na nag-break down talaga ako sa kanya. That's the only time na talagan umiyak ako ng husto sa kanya na nakikiusap ako nung time na yon dahil yun yung sinabi niya. Dahil nagkaroon siya ng congestion sa lungs sa dami ng fluids na dumaan sa kanya, and then um sabi niya ayaw daw niya. Sabi ko kasi may tanong ang mga doctor at sabi ko, kaya ko pa naman ikaw kausapin. Ayokong magdesisyon dito sa bagay na ito.Sabi niya 'ano yung tanong.' ‘Ang tanong sa akin at yung tanong sayo, kung sakali mang masyado nang nahihirapan ang lungs mo bubutasan ka.’ Tapos ang sagot niya sa akin, ‘wag na. Hindi niya gusto na mabubuhay siya sa ganung paraan. Hindi rin daw-- mahihirapan pa daw kami lalo ng husto. And then yun yung time na nag-break down ako. Sinabi ko sa kanya wag namang ganyan. Sabi ko wag mo namang gawin sa amin to.
Siyempre ang gusto ko ay yun talagang kung, kumbaga may paraan pa, di ba? Ganun siguro talaga kapag, alam naman natin sigurong lahat pag mahal mo hanggang sa huling-hulinig sandali ah hindi mo gustong mawala sa yo.
Cristy:
Lahat ay gagawin mo--Lorna
: Lahat gagawin mo.Cristy:
--para wag muna siyang umalis sa iyo.Lorna:
Totoo.Cristy:
Paano mong sinabi iyon kay Daboy?Lorna:
Yun, sinabi kong ‘wag mo namang gawin sa ‘kin ito, wag mo namang gawin sa ‘min ito. And niyakap niya ako, and sinabi niya, ‘o sige na nga basta wag ka nang umiyak.’ Pinagbigyan niya ako dahil umiyak lang ako. Pero kinabukasan, after siguro mga 2 to 3 days na naging okay na, alam namin pareho na hindi na aabot doon, inexplain niya sa akin kung bakit niya mas nanaisin na wag nang ipagpatuloy pa yung buhay niya sa ganoong paraan dahil lahat daw mahihirapan.Cristy:
LT meron kang dalawang anak. Nandiyan si Raphe, nandiyan si Renz. Hindi ka nag-iisa kung tutuusin. Pero paano mo kaya nakikita ang sarili mo unang umaga na gumising ka na wala sayo si Daboy?Lorna:
Hindi ko pa talaga siya hinaharap sa ngayon. Hindi pa ako umuuwi pagkatapos dahil tuloy-tuloy ako. Wala pang nababago sa bahay. Sa ngayon dito kami natutulog ng mga anak ko, kasama ko sila. Siguro yun yung talagang apat na oras yun ang pinakamahabang tulog ko sa buong sandali na magkasakit si Rudy na tuloy-tuloy.Cristy:
Unang pagpalahaw mo ng hagulgol nang malapit nang malagutan ng hininga si Daboy. Di mo na nakayanan ang emosyon mo at madaling unawain dahil natural lan iyon sa isang asawa na hanggang maaari ay gusto niyang gawin ang lahat para di mawala ang kanyang asawa. Humagulgol ka. Hindi mo na kinaya. Narinig ka ni Daboy. Paano iyon?Lorna:
Medyo mas lumayo ako ng konti. Kasi-- nakaupo ako dun sa may sofa na nakataas ang mga paa ko kasi wala na akong pakiramdam nung mga panahong na yon. Parang hindi ko na kayang itay.o um nakikita ko na lang yung doktor na ginagawan ng paraan. Alam ko nag-collapse na yung mga veins niya hindi na talaga tumutulo yung ah dugo na binibigay sa kanya.Actually it's a platelet no, yung first unit non, pumasok pa sa pinaka-portacut niya pero yung second one ayaw na. Hindi na tinatanggap.
Cristy:
Hindi na tinatanggap?Lorna:
Oo, so yun, yung talagang hindi ko na nakayanan. Talagang pinipigil ko na huwag umiyak, pero yun yata yung pinakamasakit, na pigilin mo. Talagang nadinig niya kung gaano kasakit na yung iyak ko, tinawag niya ako, ‘mama, mama,’ yun.Cristy:
LT kasi, ito yung pinakamatinding giyera na hinarap niyo. Matapang ka eh. Matapang kang babae, marami nang bagyong dumaan sa buhay mo pero alam namin, ito yung pinakamatindi. Ano ang gusto mong ibigay na mensahe kay Daboy sa kanyang pagkawala?Lorna:
Actually, dito kasi sa ano na 'to, sa laban niya, lahat siguro kaming nagmamahal sa kanya nandyadyaan. Dito ko rin naramdaman kung gaano siya kamahal ng lahat. Maraming tunay na nagmamahal sa kanya, pati mga tagahanga niya na andyadyan na patuloy na minamahal siya at naging kasabay din niya at kasama niya habang lumalaban siya dito sa dito sa-- i mean he's an action star and at the same time sabi nila siguro, ah ibang laban ang nilalabanan niya yung kalusugan niya, at maraming makaka-relate na mga imposible na hindi tayo nagkakasakit or isa sa atin ang meron sa pamilya natin na maysakit. So mas lalo sigurong naramdaman ng mga tao yung laban niya na tinatahak ni Rudy eh.Cristy:
Pero gaano mo at paano mo ngustong maalala si Daboy sa iyong isip at puso?Lorna:
Uh, alam ko kasi na, siguro basta't ang alam ko, ah, ako yung tao na nasa puso niya. Ako yung taong minahal niya na sinasabi nga niya ikaw ang nasa puso ko most of the time. And yun din siguro ang pwede kong – at alam niya sa puso niya -- na siguro maraming pagkakataon na may nangyayari sa buhay ng mag-asawa na dadaanan kayo, pero sa huli, sa huling sandali, alam namin pareho na nasa puso namin ang bawat isa.Cristy:
LT kasama natin sa studio si kasamang Boy Abunda. Boy, magandang hapon.Boy Abunda:
Magandang Hapon LT, kasama ko si Ruffa Gutierrez. LT, nais ko lamang makiramay. You have myu love and my prayers and ang tapang mo. Napakatapang mo. And kasama namin ang buong staff dito sa The Buzz. Ruffa?Ruffa Gutierrez:
Yes, Tita Lorna, condolence po. I will see you after the show.Lorna:
Maraming salamat Kuya Boy, maraming salamat Ruffa, at maraming salamat sa tulong ninyo sa amin.Cristy:
Boy, meron ka bang ibibigay na tanong kay LT?Boy:
Nais ko lamang sabihn Lorna na take good care of yourself. You're such a beautiful woman, at napakaganda ng alaala na iniwanan ni Daboy sa aming lahat, such a wonderful person. At maraming-maraming salamat, maraming-maraming salamat sa iyong pagiging kaibigan, at pagiging kaibigan ni Daboy sa aming lahat. Thank you.Cristy:
Okay, maraming salamat Ruffa at Boy. At LT, huling katanungan. Tatlong huling salita na gusto mong sabihin kay Daboy.Lorna:
Nasabi ko sa kanya at nasabi rin niya sa akiin. Hirap na hirap na siya magsalita nung madaling araw na yon, at ah actually, nung 6 o clock. Siguro that's the pinakamasakit na ungol na narinig ko sa kanya na pinakamasakit siguro na din para sa akin, dahil alam ko na yun yung hirap na hirap siya pero wala kang magawa. Siguro yun yung pinakamasakit na makikita mo na pag mahal mo yung tao gusto mo--Cristy:
--akuin na lamang? ----Um parang ibigay na lang sa iyo di ba lahat. Wala na eh, wala kang magawa. Yung wala kang magawa, yun yung masakit. At sinabi ko sa kanya sinabi ko ‘I love you babe,’ sabi ko ‘I love you papa.’ He tried his best. Actually, naka-lift yung face niya at nakaganun at, pag kasi hirap ka na, hindi ka na masyadong makasalita ng ano eh. Parang yung tongue mo medyo parang umuurong, oo, um and ah, he really tried his best to say and to respond to me, and he said "I love you."
Cristy:
Lorna, muli, ang pakikiramay namin sa The Buzz at ng buong ABS-CBN. Kayong mag-asawa ay di na iba sa amin. Mahal kayo ng industriya, ng pelikulang pilipino, at ng sambayanang Pilipino.Alam naming mahirap itong kalimutan. Hindi madaling kalimutan ang ganitong kapalaran at karanasan, pero isang araw, sana hindi maging maramot sa iyo ang kaligayahan at pag-ibig. Maraming salamat sa pagbibigay mo ng panayam na ito.
Lorna:
Thank you. Thank you. Thank you, Tita Cristy. Thank you, The Buzz.Cristy:
Thank you, at ang aming pakikiramay.










