Ibahagi ang iyong 'TV Patrol moment'!

Ikaw ba ay isa sa maraming taong naging bahagi ng pagbabalita o nakakuwentuhan ng longest-running Tagalog newscast sa ating bansa? Mayroon ka bang memorabilia o souvenir ng TV Patrol mula sa 25 taon nitong paghahatid ng balita?

Ibahagi sa amin ang iyong kuwento. Maaari itong i-post bilang comment sa Notes ng TV Patrol sa Facebook, o i-email ang iyong kuwento sa [email protected] at ilagay lamang ang 'TV Patrol Moment' sa subject line. Maglakip ng picture o video kung mayroon para mas masaya ang ating kuwentuhan.

Maaari ka ring maging bahagi ng ilulunsad na TV Patrol 25th aniversary exhibit! Buksan na ang baul at ilabas ang natatagong TV Patrol pics, memorabilia at souvenirs. Dalhin ang mga ito sa  Umagang Kay Ganda Studio, ELJ Bldg., Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Diliman Quezon City,  8am-5pm. Hanapin si Armand Gante.

Facebook Twitter