ForEx



Anthony Taberna, nag-ala tanod sa ‘Kalye’

Posted at 05/03/2009 3:28 PM | Updated as of 05/03/2009 3:28 PM

Hahawak ng batuta at magro-ronda sa kalsada si Anthony Taberna ngayong Lunes, May 3, para alamin kung dapat na nga bang armasan ang mga barangay tanod sa “Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan.”

Sasamahan ni Taberna si Alberto Vasquez na tatlong beses nang nabaril sa kaniyang pagroronda sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City. Tanging batuta lang kasi ang kaniyang panlaban tuwing rumeresponde sa gulo at krimen sa kanilang lugar.

Sa kabilang dako, tatambay naman kasama ng isang gang ng kabataan sa Parañaque City si Jorge Cariño. Sa kaniyang unang pagpasyal sa “Kalye,” ibubunyag ni Cariño ang pamumuhay ng mga batang gangster na sa murang mga edad ay tila patapon na ang buhay.

Sa Port Area naman, susubukan ni Sol Aragones ang pagsasalansan ng diyaryo. Ayon kay Mang Jun, umaabot hanggang P20,000 ang kaniyang kinikita sa pag-aayos ng diyaryo mula sa iba’t ibang publikasyon bago ito ibenta. Higit sa lahat, nakakapagbigay pa siya ng trabaho sa kapwa Filipino.

Samahan si Anthony Taberna, Sol Aragones, at Jorge Cariño sa kanilang makabuluhang pagpasyal ngayong Lunes sa “Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan,” pagkatapos ng “Bandila.” Bisitahin din ang http://kalyedos.multiply.com/.


Bookmark and Share

Links