Kampi member tells Punto por Punto: VP Noli needs political machinery
Posted at 07/21/2009 2:11 PM | Updated as of 07/21/2009 11:18 PM
Tila isang waiting game ang nangyayari sa pagitan ni Vice President Noli De Castro at ng partidong Lakas-Kampi. Hindi pa rin kasi naghahayag ng interes si Kabayan kung sasali sa partido ni Pangulong Arroyo. Hindi pa rin siya nag-aanunsyo kung tatakbo nga sa pagkapangulo sa 2010. Dahil sa mataas na standing sa mga survey para sa mga napipisil na maging pangulo, nanatili si Kabayan sa mga pangunahing pinamimilian para maging standard bearer ng Lakas-Kampi. Punto Por Punto, Umagang Kay Ganda. Hulyo 21, 2009.