Punto por Punto: Arroyo, 114 percent richer in 8 yrs.?

Posted at 08/11/2009 1:21 PM | Updated as of 08/11/2009 2:31 PM

Sa pagsusuri ng Philippine Center for  Investigative Journalism o PCIJ sa Statements of Assets and Liabilities (SAL) ni Pangulong Arroyo, tinatayang sa loob ng 8 taon, higit  2000% raw ang inilaki ng kanyang yaman. P 7M noong 1992 P 144 million na ngayon.  Mas malaki pa ito kaysa pinagsamang record ng tatlong dating pangulo: sina cory, FVR at Erap na naparusagan sa kayong plunder. Lagpas doble din ang pagyaman niya habang pangulo: P 77 million o P10 million kada taon. Pero kung ang sweldo ng pangulo ay P45,000 lang kada buwan,  palaisipan ngayon kung paanong nadadagdagan ang yaman ng Pangulong Arroyo ng ilang milyong piso. Kaya tanong ng ilan, saan galing ang ganito kalaking kayamanan? Agosto 11, 2009. Punto por Punto. UKG.

 

Bookmark and Share

2 comments

let's have a break...

Nawawala yata tayo sa focus kaibigan. Malapit na ang election at mas mahaba ang ipanunungkulan ng susunod na presidente. Maliban sa kaso ni Villar sa Senado (na di pa napapatunayan) wala pa akong nababasang expose' sa ibang preidentiablers. Di naman natin pwedeng piliin sila ng sabay-sabay. Mas makabuluhan sigurong punahin natin yong ibang kandidato para makaiwas tayo sa mapagsamantalang presidente pagdating ng araw, di ba? And lastly, PLEASE BE FAIR! Not all Filipino people are gullible to grab your bait hook, line, and sinker. Remember the immortal words of Abraham Lincoln thus, "You can fool some of the people of the times, and all of the people some of the times. But you can never fool all of the people all of the times"!


di imbestigahan mo pa...

Di imbestigahan nyong mabuti kung talagang investigative journalist kayo! Wag kayong magbabalita na hindi kumpleto kasi liniligaw nyo ang taumbayan. Paano magkakaroon ng "well informed"opinion ang taumbayan kung "half-cooked" yang balita nyo? Sinasangayunan yata ninyo si Santos, na tumira kay Atty. Macalintal at nagsabing "MERE SUSPICION IS PERFECTLY REASONABLE"? Ganyan na ba ang batayan ng investigative journalism ngayon? Bago yata yan tol? Kinumpara mo si ERAP na napatunayang nagkasala sa batas, eh yong sayo, suspicion pa lang. Patunayan muna natin tol, ok? Ang masasabi ko lang pare-pareho ang pulitiko. Kesehudang magnakaw ka ng malaking halaga o maliit; magnanakaw ka pa rin, di ba? The big question is: WHAT'S YOUR MOTIVE MY DEAR FRIEND? Investigative journalism? Please, tell it to the marines!



Links