"Matanglawin" takes a journey inside the human body Oct. 26
abs-cbnNEWS.com | 10/22/2008 12:21 PM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
Ano nga ba ang nasa loob ng human body?
Aalamin ni Kuya Kim kung ano nga ba ang nasa loob ng tiyan ng mga tao sa pamamagitan ng endoscopy, kung saan sa tulong ng makabagong teknolohiya maaring ipasok ang maliit na camera sa bituka para makita kung ano ang nasa loob nito tulad ng bukol at kung ano-ano pa.
Maari ding kumuha ng sample para ma-biopsy at malaman kung ano ang iyong sakit. Ano nga ba ang nangyayari sa pagkain kapag pumapasok na ito sa ating tiyan? Silipin kung ano ang itsura ng ating mga lamang-loob.
Susubukan din ni Kuya Kim ang tinatawag na PET-CT (Positron Emmission Tomography-Computerized Testing Scanner) kung saan inii-scan ang utak ng tao para makita sa monitor ang brain activity nito at malaman kung may sakit tulad ng epilepsy, tumor atbp.
Malalaman din natin kung ano ang nangyayari sa ating mga puso at baga at kung paano maalagaan ang mga ito. Ano nga ba ang istura ng baga ng taong naninigarilyo at hindi? Ng taong may malusog na puso at hindi? Kilalanin ang mga hayop na nabubuhay na walang puso at baga.
Sa tulong ng mga makabagong teknolohiya, mas napapag-aaralan natin ang human body at mas lalo pang lalawak ang kaalaman natin tungkol dito.
Samahan si Kuya Kim sa kakaibang paglalakbay sa loob ng ating katawan ngayong Linggo alas onse ng umaga.












