Bandila, Lunes, Enero 12, 2009
Bandila, Lunes, Enero 12, 2009
01/13/2009 12:58 AM

Pagbuo ng independent investigating panel sa ‘Alabang Boys’ ipinag-utos
Ipinag-utos ni Pangulong Arroyo ang pagbuo ng independent panel para imbestigahan ang kaso ng Alabang Boys. Samantalang nagbanta naman ng isang linggong strike ang mga city prosecutors ukol sa pagpapaliban sa trabaho ng mga kasamahang nasangkot sa kaso.

Puno sagabal sa Cha-cha kaya ‘ipinagbibitiw’
Sagabal sa pagsusulong ng Cha-cha si Chief Justice Renato Puno.
Ito ang nakikitang dahilan ng Korte Suprema kung bakit kumakalat ang balitang may nilulutong impeachment laban sa punong mahistrado.

Namalimos na OFWs sa Qatar nakauwi na

Nakauwi na rin sa bansa ang limang OFW na napilitang mamalimos ng ulo ng hipon para makakain lang sa Doha, Qatar. Biktima kasi sila ng mga employer na hindi nagbayad ng kanilang sweldo.

Patupat festival ‘big hit’ sa Pangasinan
Big hit ang Patupat Festival sa Pozorrubio, Pangasinan. Halos mapuno ang harap ng munisipyo nang ilatag na ang napakahabang patupat -- Isang uri ng kakanin sa Pangasinan.

Mga naka-costume na lechon pinagpiyestahan sa Bacolod
Mga naka-costume na lechon ang pinagpiyestahan sa Bacolod para sa ikatlong Lechon Festival sa Barangay Cabug. Agaw pansin ang ibat-ibang bihis ng mga inihandang lechon.