Bandila, Miyerkules, Enero 15, 2009
Bandila, Miyerkules, Enero 15, 2009
01/16/2009 12:38 AM

Kumidnap sa mga taga-Red Cross tukoy na
Natukoy na ng mga otoridad ang mga kumidnap sa tatlong myembro ng International Committee of the Red Cross sa Sulu kaninang tanghali. At hinala ng militar, kasabwat ang isang jail guard sa pangingidnap sa tatlo!

Mga nakiramay sa burol ni Doña Mary dumagsa
Tuloy pa rin ang dagsa ng mga nakikiramay sa pagpanaw ni Doña Mary Ejercito. Maging si dating unang ginang Imelda Marcos ay bumisita sa burol ng namayapang ina ni Erap.

Malamig na panahon titindi pa
Mas lalamig ngayon kumpara noong nakaraang taon, ayon sa PAGASA, at titindi pa raw ito sa mga susunod na araw.

Paeng Nepomuceno, tuloy pa rin sa bowling
Kahit 52 taong gulang na, tuloy pa rin ang hataw sa mga tournament ni bowling champ Paeng Nepomuceno!

E-Jeep ng Pilipinas naitampok sa Discovery Channel
E-jeepney na imbensyon ng Pinoy kinilala ng Discovery Channel.