Bandila, Huwebes, Enero 22, 2009
abs-cbnNEWS.com | 01/23/2009 12:21 AM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
Libu-libong trabaho posibleng mawala sa pagsara ng Intel sa Pilipinas
Dalawang libong empleyado ng Intel Philippines ang nakatakdang masama sa bilang ng mga walang trabaho! Nangako ng tulong ang Labor Department kasunod ang babalang may 60,000 pang nagta-trabaho sa industriya ng information technology ang namemeligro dahil sa krisis.
DOJ prosecutor Resado haharap sa imbestigasyon
Kabi-kabila ang haharaping imbestigasyon ng DOJ prosecutor na nagbasura ng kaso laban sa "Alabang Boys." Gigisahin siya bukas ng mga kongresista at paiimbestigahan din siya sa binubuong independent panel. Gusto pa ni Justice Secretary Gonzales, ipabusisi sa Anti-Money Laundering Council ang deposito niya sa bangko.
Paggawa ng tikoy, alamin
Pampasuwerte naman! Chinese New Year na po sa Lunes! At, ngayon pa lang, mabenta na ang tikoy na pinaniniwalaang pampasuwerte hindi lamang ng mga Tsinoy. Pero, paano nga ba ginagawa ito?
Obama memorabilia patok sa mga bisita sa inauguration
Mainit pa rin ang Obama fever! Patok na patok ang mga Obama memorabilia kaya tiba-tiba ang mga vendor sa Amerika.













