Mga mawawalan ng trabaho darami pa
Marami pa ang mawawalan ng trabaho! Ito ang pagtataya ng International Labor Office. Pinangangambahang maaari itong humantong sa paglala ng kahirapan. Marami naman ang nag-aasam na makabawi na ang Amerika at mahawa sa ginhawa ang mga naapektuhan ng krisis. Magbabandila si Ron Gagalac.
Mga bagong gradweyt may mapapasukan pa ba?
Mahigit isang buwan na lang, madadagdag sa mga maghahanap ng trabaho ang mahigit kalahating milyong gagradweyt sa kolehiyo. Ang tanong: may mapapasukan pa ba sila pagkatapos ng eskwela. ‘Yan ang ulat ni Jeff Canoy.
Sen. Santiago at Rep. Cagas nagbangayan
Umalma kay Senadora Miriam Santiago ang isang bagitong kongresista kaugnay sa imbestigasyon sa pag-blacklist ng World Bank sa tatlong kontratista. Pero bumuwelta ang senadora! Magbabandila si Willard Cheng.
Partido Lakas naghahanda na nga ba para sa 2010?
Mahigit isang taon pa bago ang eleksyon, nagtakda ng pulong para bukas ang partidong Lakas na sumusuporta sa Pangulo. Sabi naman nila hindi puro pulitika ang pag-uusapan kundi pati problema ng ekonomiya. 'Yan ang ulat ni RG Cruz.
Mga kalabaw na naka-costume, rumampa sa Pangasinan
Mga naka-damit na kalabaw, acrobatic stunts sa Chile at ang pagbisita nina Angelina Jolie at Brad Pitt sa Japan. 'Yan ang mga Patok na Balita ni Cecille Lardizabal.
02/14/2012 2:21 AM
02/14/2012 2:17 AM
02/14/2012 2:15 AM
02/14/2012 2:14 AM







