2 Chinese milk brands positibo sa melamine
Nagpositibo sa melamine ang dalawang brand ng gatas galing ng china na sinuri ng bureau of food and drugs: ang greenfoods yili fresh milk, At mengniu drink in chinese characters.
Ayon sa Department of Health, Irerekomenda na nilang gawan ng ligal na aksyon ang mga importer ng dalawang brand.
Makikipag-ugnayan din sila sa chinese embassy tungkol dito.
Pero hindi masagot ng b-fad kung smuggled ba o rehistrado ang dalawang brand na ito.
Mga opisyal ng Candaba tatawag ng flood summit
Nananawagan ang mga opisyal ng Candaba, Pampanga para sa isang flood summit para masolusyunan na ang paulit ulit na lang nilang problema sa pagbaha. Labing dalawa sa 33 barangay doon, binabaha pa rin.
Gusto ngayon ng mga opisyal ng Candaba na makipagtulungan ang mga katabing probinsya para masolusyonan na ang matagal nang problemang ito sa pagbaha.
Hindi na raw bago para sa mga taga-Candaba ang pagbaha sa tuwing walang patid ang ulan. Sa katunayan, bawat doon bahay, may nakahanda nang bangka. Kapag tumaas ang tubig, nagsasagwan sila.
PhilAm life nagbenta na ng negosyo sa ‘Pinas
Matapos ang ilang linggong espekulasyon sa magiging kapalaran ng PhilAm Life nagdesisyon na ang parent company nitong American International Group (AIG) sa Amerika naibenta na ang ilang negosyo nito sa Pilipinas.
Dahil sa laki ng utang ng AIG sinabi nito ngayon na mapipilitan na silang ibenta ang ilan sa mga premyadong negosyo nito kabilang na ang PhilAm Life. Damay pati mga subsidiries nito sa bansa.
Sa isang investment conference sa New York napagkasunduan ng pamunuan ng aig na kailangan na nilang ibenta ang PhilAm Life para makapagbayad ng utang.
Pero agad din tiniyak ng PhilAm Life na hindi maapektuhan ang pera ng kanilang mga plan holder at kliyente kahit pa ibinebenta na sila dahil matatag ang kanilang negosyo sa Pilipinas.
DOLE may mga bagong patakan para sa mga seaman
Dahil sa sunud-sunod na pambibiktima sa mga Pinoy seaman ng mga piratang Somali, ipatutupad sa lunes ng DOLE ang mga bagong patakaran para protektahan ang mga seaman.
Magkakaroon na ng opsyon ang mga Pinoy seaman na bumaba ng barko bago pa dumaan sa mga lugar na pugad ng mga pirata gaya ng sa Gulf of Aden.
Dapat lang daw ipaalam ito ng mga seaman sa may ari ng sinasakyan nilang barko dalawang linggo bago bumiyahe doon.
Pero kung pipiliin ng mga Pinoy seaman na huwag bumaba ng barko, dapat doblehin ang sahod nila.
Mga supermarket nangangamba pa rin sa epekto ng milk scare
Kahit ideneklara na ng BFAD na hindi kontaminado ng melamine nangangamba pa rin ang may ari ng ilang supermarket na itinda ang mga ito.
Hindi raw kuntento ang samahan ng mga supermarket dahil anila, hindi sapat ang pagde-deklara na melamine free ang mga natesting nitong milk and milk products.
Gusto nilang ideklara muna ng BFAD na ligtas nga itong kainin bago nila uli itinda.
Kaya, hiling nila sa mga distributor: Humingi ng certification sa BFAD.
02/14/2012 2:21 AM
02/14/2012 2:17 AM
02/14/2012 2:15 AM
02/14/2012 2:14 AM






