Kandidatura ni Villar maapektuhan ng kanyang pagbibitiw
Maaapektuhan ang kandidatura ni Manny Villar sa kanyang pagbibitiw bilang Senate president. Ang pagbibitiw niya ay magiging dahilan din ng muling pagsulong Charter change.
Kilalang sumusuporta sa Cha-cha ang bagong Senate President na si Juan Ponce Enrile, na dati nang naghain ng resolusyon para baguhin ang Saligang Batas.
Bukod sa Cha-cha, ambisyon ng mga makakalaban ni Villar sa presidential elections ng 2010 ang nakikitang dahilan sa kudeta sa Senado.
Nabawasan daw ang lamang ni Villar ngayong hindi na siya ang Senate president.
Pulitika nasa likod ng bagong pagpatay ng mediaman
May pinatay na namang taga-media. Pinagbabaril ang komentarista sa radyong si Arecio Padrigao sa tapat ng eskwelahan sa Gingoog, Misamis Oriental.
Inihatid lang sana ni Padrigao ang anim na taong gulang na anak sa eskwelahan nang tambangan ng dalawang lalaking naka-motorsiklo.
Tingin ng kaniyang pamilya, may kaugnayan ang pagpatay sa mga banat niya sa radio sa illegal logging, mga pulitiko at sa promosyon ng mga empleyado ng city hall. Ito ngayon ang sinusundangh anggulo ng PNP.
NPA sinabihang pakawalan na si Cammayo
Hinihingi ng militar sa isang paksyon ng NPA na pakawalan na ang pinuno ng Special Forces company ng Philippine Army na dinakip ng mga rebelde matapos ang engkwentro sa Compostela Valley.
Puspusan na rin ang isinasagawang rescue operations ng Philippine Army para mabawi ang team leader ng 10th Special Forces Company na si 1st Lt. Vicente Cammayo na bihag ng NPA.
Sa Web site ng NPA, tiniyak nilang nasa maayos na kalagayan si Cammayo. Ang ikapapahamak lang daw niya ay ang rescue operations ng militar.
Ombudsman iimbestigahan si dela Paz
Hindi kuntento ang Ombudsman kahit na inako ni Ret. PNP director Eliseo dela Paz ang pananagutan sa perang ginastos ng PNP generals at ang perang nakumpiska kay dela Paz sa Moscow, Russia.
Uusigin naman sila ng fact-finding committee ng Ombudsman.
Damay pati si Tyrone Arejola, ang negosyanteng nagsasabing kaniya ang dagdag na 45,000 euros na nakumpiska kay dela Paz. Pambili daw niya ito ng mamahaling relo.
Sakaling mapatunayang nagkasala nga si dela Paz, Maaari siyang makulong mula anim hanggang 20 taon.
May-ari ng money changer sa “contingency fund” mess nagtatago
Nagtatago na ang may ari ng F&S Money Changer kung saan daw nagpapalit ng euro si dating PNP comptroller Eliseo dela Paz bago ito magtungong Moscow.
Noong una ay inamin ng manager ng F&S na si Felisa Sakaluran ang may-ari ng naturang establisyemento. Ngayong pumutok na ang kontrobersya, nagging “FH” na ang pangalan nito.
Pinaaresto na kasi ng senado ang may-ari nito na si Sakaluran.
Una nang sinabi ng manager ng money changer na ilang buwan ding nagpapalit sa kanila ng euro ang mga tauhan ni dela Paz hanggang sa mabuo ang 105,000 euros o P6.9 million.
02/14/2012 2:21 AM
02/14/2012 2:17 AM
02/14/2012 2:15 AM
02/14/2012 2:14 AM







