Bandila, Miyerkules, Nobyembre 19, 2008
Bandila, Miyerkules, Nobyembre 19, 2008
11/20/2008 1:11 AM

JDV ayaw na sa charter change
Inaayawan na ni dating speaker Jose de Venecia ang charter change. Sabi ng dating numero unong promotor ng cha-cha, hindi dapat mangyari ito habang nasa puwesto si Pangulong Gloria Arroyo. Ibinunyag pa niya ang nalalaman niyang diskarte ng Malacañang. Nagdeklara na rin si Senate President Juan Ponce Enrile na hindi niya pangungunahan ang pagsusulong nito sa Senado.

Taripa sa harina at semento pansamantalang tinanggal
Sinuspinde ang taripa para sa imported na harina at semento para bumaba and presyo sa merkado, pero hindi lahat natuwa sa balita!

Salesladies in demand ngayong Kapaskuhan
Kung nagtatanggalan sa abroad, nagdadagdag naman ng empleyado ang mga mall ngayon Magpapasko.

Mga piratang nang-hijack ng Saudi supertanker, nanghihingi ng ransom
Humihingi ng ransom ang mga piratang nang hi-jack ng Saudi supertanker sa Kenya, kung saan kasamang nabihag ang 19 na tripulanteng Pinoy.

Pacquiao handang handa na kay de la Hoya
Nagpakitang gilas si People's Champ Manny Pacquiao sa ensayo sa Hollywood.

Mga sikat na produkto ng Cordillera ibinida sa trade fair
Ibinida sa One Town-One Product Luzon trade fair sa SM Mega trade hall ang mga pangunahing produkto ng Cordillera.