Bandila, Huwebes, Nobyembre 20, 2008

Posted at 11/21/2008 12:42 AM | Updated as of 11/21/2008 12:42 AM

Outsourcing lalong lalago dahil sa krisis
Imbes na mabawasan, nakikitang lalo pang dadami ang trabaho sa mga outsourcing company na tulad ng call centers dahil sa krisis!

Hijackings hindi hadlang sa mga Pinoy seamen
Sunud-sunod ang pangha-hijack ng mga barko sa karagatan ng Somalia! Pero ang Pinoy seaman, wala pa ring takot sumampa ng barko.

Panukala para sa con-ass, umiikot sa Kamara
Kung nagdedeklara ang Malacañang na bababa ang Pangulo sa pagtatapos ng kaniyang termino at inaayawan ng karamihan ng senador ang Cha-cha, uusad naman ito sa Kamara. Nagpapapirma na ng resolusyon at nakikitang maaaring lumusot ito hanggang sa Korte Suprema.

Mga Christmas window displays pabonggahan na
Hindi maikakailang, Pasko na! Sa window displays pa lang, pabonggahan na. At isa sa dinadayo ngayon ay ang Christmas Wonderland.

Pag-ulan sa Davao nagdulot ng pagbaha
Mahigit 300 pamilya sa Malita, Davao del Sur ang nagsilikas dahil sa bahang bunsod ng limang araw ng pag-ulan.


Bookmark and Share

Links