Bandila, Biyernes, Nobyembre 21, 2008
Bandila, Biyernes, Nobyembre 21, 2008
11/22/2008 1:03 AM

FG Mike Arroyo inatake sa puso habang nasa biyahe patungong Peru
Nag-emergency landing sa Kansai International Airport sa Japan ang eroplanong sinasakyan nina Pangulong Arroyo at asawa niyang si First Gentleman Mike Arroyo. Inatake sa puso ang unang ginoo habang nasa himpapawid ang eroplanong papunta sana sa Los Angeles, California bago sila magtungo sa APEC leaders' summit sa Peru.

Mga suspek sa Dacer-Corbito double murder case uuwi ng Pilipinas?
Posibleng mapauwi na ng Pilipinas ang dalawa sa inuusig sa Dacer-Corbito double murder case na hinuli sa Amerika.

Rollback sa gasolina at diesel ipinatupad muli
Pagkaraan ng rollbak kamakalawa, bumaba na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo. Magro-rollback ng piso kada litro ng gasolina, diesel at kerosene simula ngayong hatinggabi ang Petron, Shell, at Chevron. Piso rin ang iro-rollback ng PTT Philippines sa diesel at gasolina.

‘Piso maaaring umabot sa P56 kada dolyar’
Posibleng umabot sa P56.00 ang palitan ng dolyar sa susunod na tatlong buwan. Ito ang tantya ng economic adviser ni Pangulong Arroyo.