TF Manila Shield inilunsad
Inilunsad ng bagong NCRPO chief Leopoldo Bataoil ang Task Force Manila Shield bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng nakawan habang papalapit na ang Pasko. Ayon kay Bataoil, tutok ang mga pulis ngayon sa crime prevention.
Dalawang Pinoy seamen napalaya galing Somalia
Napalaya na ang dalawang Pinoy seaman na sina Israel Lumapas at Ernesto Cuartero matapos silang bihagin ng mga piratang Somali mula sa Gulpo ng Aden. Kasama silang nabihag ng 21 crew member ng M/V Stolt Valor na hi-jack noong Setyembre 15.
‘Militar posibleng magtulak ng pagbabago sa gobyerno’
Posible pa ring makialam ang militar para magkaroon ng pagbabago sa gobyerno. Ito ang paniniwala ng nakakulong na si Sen. Antonio Trillanes IV. Pero ang inaasam niya ngayon, umusad ang impeachment complaint na tinatayang haharangin ng mga kaalyado ng pangulo sa kamara.
Babaeng holdaper arestado
Arestado ang babaeng hinihinalang miyembro ng kilabot na Inday Rocha robbery syndicate. Siya si Jocelyn Hernandez alyas Nikki na nakunan ng CCTV sa loob ng hinoldap na Landbank sa West Avenue, Quezon City noong Enero. Sangkot din umano siya sa China Bank armored van robbery sa Market-Market, Taguig kamakailan.
X-mas tree ni Mariel kulay itim
Kapag Christmas tree, mas siguradong kulay green. At ngayon, nauuso na rin ang puti, pati ibang mga matitingkad na kulay. Pero nakakita na ba kayo ng Christmas tree na kulay itim? Ganito ang kulay ng Christmas tree ni Mariel Rodriguez.
02/14/2012 2:21 AM
02/14/2012 2:17 AM
02/14/2012 2:15 AM
02/14/2012 2:14 AM







