Bandila, Martes, Nobyembre 25, 2008
Bandila, Martes, Nobyembre 25, 2008
11/26/2008 1:40 AM

Mga pananaw sa gulo sa pulitika dinadaan sa katatawan sa Internet
Kung ang ibang mga kontra-cha-cha, sa daan nagkilos-protesta ang iba naman, sa pamamagitan ng katatawanan sa Internet kumontra!

LTFRB: Rollback sa pamasahe sigurado na
Sigurado na ang pagbaba ng pamasahe sa Disyembre, ayon sa LTFRB. Bumaba na kasi sa P35.00 ang presyo ng diesel. Tinatayang ganito na rin kababa ang magiging presyo ng gasolina bago magtapos ang Disyembre.

Gobyerno naghahanda na sa pagdagsa ng mga OFWs na masisisante
Mahigit kalahating milyong Pinoy sa abroad ang namemeligrong mawalan ng trabaho, ayon sa DOLE. Para makapag-abroad ulit sila, sinisimulan na ng gobyernong turuan sila ng ibang trabahong mas in-demand ngayon.

Mga K9 dogs mula Amerika bagong pangontra sa gulo ng PNP
May bagong pangontra sa mga manggugulo at terorismo ang PNP na bigay pa ng Amerika -- ang binansagang "man's best friend".

Mga Pinoy seamen na binihag sa Somalia, balik bansa na
Nakabalik na sa bansa ang dalawang tripulanteng Pinoy na napalaya ng mga pirata sa Somalia.