Bandila, Miyerkules, Nobyembre 26, 2008
Bandila, Miyerkules, Nobyembre 26, 2008
11/27/2008 1:25 AM

Pagbasura sa impeachment balak i-apela sa Korte Suprema
Ipinagluluksa na ang reklamo ng pagpapatalsik sa Pangulo! Tinambakan ang mga kongresistang nagsusulong nito ng mga kumontra. At, kahit huhusgahan pa sa plenaryo, sa Korte Suprema na ito balak i-apela.

Panukalang pahabain ang termino hanggang 2011 di na tuloy
Inatras na ang panukala sa kamara para patagalin pa ang termino ng Pangulo! Pero may mga duda pa ring matutuloy ito!

Mga biyahero at turista apektado ng gulo sa Bangkok airport
Nauwi naman sa bangungot ang bakasyon ng mga turistang stranded ngayon sa airport sa thailand matapos itong i-take over ng mga nagkikilos-protesta.

2009 budget lusot na sa Senado
Nakalusot na sa Senate Finance Committee ang P1.4 trillion na panukalang budget para sa 2009. Mas mataas ito ng P188.3 billion sa budget ngayong taon.

Bigtime rollback ng Unioil di sinundan ng Big Three
Malaki ang ini-rollback kanina ng kumpanyang Unioil. Pero, hindi pa sumusunod ang Big Three ng industriya.

Mga murang panregalo mabibili sa mga warehouse sale
Sa mga nag-aasam na ang Pamasko ay mga branded na damit, tsinelas at accesories pero kulang ang budget, may ilang outlets na nagbibigay ng malaking diskwento.