Bandila, Martes, Disyembre 2, 2008
Bandila, Martes, Disyembre 2, 2008
12/03/2008 12:06 AM

Paglibing sa impeachment complaint natuloy
Nagtagal pa kahit halos alam na ang magiging resulta -- pinaglamayan sa Kamara ang botohan kung tuluyan nang ibabasura ang reklamo para mapatalsik si Pangulong Gloria Arroyo. Nauna na itong ibinasura sa komite ng mga kongresista.

FVR: 'Wag muna ituloy ang Cha-cha ngayon
Ang sinasabing isusunod sa pagpatay sa impeachment, Cha-cha! Pero ang orihinal na promotor na mismo nito ang nagpapayo kay Pangulong Arroyo na tigilan na muna!

Mga OFWs na nawalan ng trabaho sa Taiwan nakauwi na
Mahigit isandaang OFW na natanggal sa trabaho sa Taiwan ang umuwi na kanina. Pangako ng gobyerno: ayuda para sa kanila.

Mga gamit pang-kusina, bagsak-presyo na rin
Hindi lang pamasko at pang-aguinaldo ang ibinabagsak ang presyo! Bargain na rin pati gamit pang-negosyo.