Bandila, Miyerkules, Disyembre 10, 2008
Bandila, Miyerkules, Disyembre 10, 2008
12/11/2008 1:25 AM

Bolante pinakawalan ng Senado
Pinalaya na ng Senado si dating agriculture undersecretary Jocjoc Bolante. Ang kapalit: sinampahan siya ng reklamo sa Justice Department dahil sa mga testimonya niya sa fertilizer fund scam.

Dato at Mikey Arroyo, ‘open secret’ umano ang kampanya para cha-cha
Open secret ang kampanya para sa Cha-cha ng dalawang anak ng Pangulo, ayon sa isang kaalyado. Pero itinanggi ni Rep. Dato Arroyo na pati sa Christmas party sa kaniyang bahay ay may nangyaring pirmahan ng resolusyon.

Kampanya ni ‘Juana Change’ sa YouTube ginawa
Iba ang naisip na paraan ng isang Pinay para mamulat ang mga Pinoy sa isyu ng Cha-cha at iba pang usaping pambayan-- naglagay siya ng political satire sa YouTube!

Mga OFWs na natanggalan ng trabaho priotity bigyan ng Canadian visa
Kung may mga minalas na mawalan ng trabaho sa Taiwan at Middle East, sila naman ang uunahin ng POEA sa mga trabaho sa Canada.

PDIC mangangasiwa sa mga nagsarang rural banks
Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na ang mangangasiwa sa mga rural bank na nagsara. Tiniyak nila ang mga depositor na maisasauli ang mga inilagak nilang pera.

Christmas bargains, tampok

Sa maraming reregaluhan pero kakaunti ang budget, may mabibilhan ng hanggang 40 porsyento ang diskwento.