Bandila, Huwebes, Disyembre 11, 2008
Bandila, Huwebes, Disyembre 11, 2008
12/11/2008 11:57 PM

Senado kinontra ang Cha-cha ng Kamara
Hindi uubrang mag-Cha-cha kung hindi papayag ang Senado, at, kapag itinuloy ito ng Kamara tulad ng binabalak, lalabagin ang Saligang Batas. Ito ang nagkakaisang paninindigan ng mga senador sa bisperas ng malakihang anti-Cha-cha rally sa Makati.

Pilipinas nagdiwang pag-uwi ni Pacman
Walang kasing tamis ang tagumpay! At, marami ang nakikisaya kay Manny Pacquiao. Kaya, dagsa ang fans at pati mga celebrities sa victory party at motorcade ng bagong hari ng boksing.

Pagsara ng ilang bangko dahil sa pyramid scam?
Walong maliliit na bangko na ang nagsara mula nitong Martes, ayon sa Bangko Sentral. At, may naghihinalang bunsod ito ng isang pyramiding scam.

‘Organizer’ ng pekeng beauty pageant kakasuhan ng estafa
Posibleng kasuhan ng estafa ang organizer ng naunsyaming Miss Young International beauty pageant! Nagpasalamat naman ang mga kandidata sa mga tumulong sa kanila.

Ospital inireklamo dahil sa ipis sa pagkain
Inirereklamo ang isang ospital sa Pasig City. Nakapaghain raw kasi ito sa isang pasyente ng pagkain na may ipis.

Mga mura at imported na panregalo tampok
Sa mga may kamag-anak na OFW na uuwi ngayong Pasko, may mabibilhan ng imported na panregalo! Tax-free na, aabot pa ng hanggang 70 porsyento ang discount.