Itutuloy ang search and rescue sa Cagayan boat tragedy sa Martes
Itutuloy sa Martes ng mga awtoridad sa Cagayan Province ang paghahanap sa mga nawawala pang pasahero ng lumubog na M/B Maejan. Sa lakas ng alon noong Lunes, napilitang itigil muna ang search operation para sa mga nawawalang pasahero ng lumubog na bangka.
Obispo sumama sa hunger strike para sa pagpapalawig ng CARP
Sumama na si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga magasasakang dalawang linggo nang nagha-hunger strike. Hindi na rin kakain ang obispo hanggang hindi nakapagpapasa ang Kongreso na magpapalawig sa CARP na mapapaso na bago mag-Bagong Taon.
Suspek sa pagpatay sa asawa ni Katrina Paula itinanggi ang alegasyon
Itinanggi ng suspek na si Steve Henarez sa balitang siya ang nasa likod ng pagpatay sa asawa ng dating aktres na si Katrina Paula noong Biyernes. Nakitang patay si Anthony Yap sa harap mismo ng kanilang bahay sa Quezon City.
Simbang Gabi magsisimula na sa Martes
Magsisimula na na ang taunang pagdiriwang ng siyam na araw ng Simbang Gabi ngayong Martes kasabay ng pagbebenta ng mga tradisyonal na kakanin.
02/14/2012 2:21 AM
02/14/2012 2:17 AM
02/14/2012 2:15 AM
02/14/2012 2:14 AM







