Bandila, Martes, Disyembre 16, 2008
Bandila, Martes, Disyembre 16, 2008
12/17/2008 12:30 AM

Mga eksperto: Epekto ng ebola reston virus sa tao ‘di tiyak
Inamin na ng mga eksperto mula sa United Nations na hindi nila alam kung ano talaga ang epekto sa tao ng ebola reston virus sa baboy.

Mga magsasaka ayaw umalis ng Kongreso dahil sa di pagpasa ng CARP extension
Hindi natuloy ang debate sa Senado at Kamara sa panukalang palawigin ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Kaya may mga magsasakang ayaw nang umalis sa loob ng Kongreso hanggang ngayon.

Piso umarangkada
Umabot ang palitan ng piso kontra dolyar sa pinakamataas na antas sa loob ng dalawang buwan kanina.

Pasko ngayong taon pareho lang sa nakaraang taon: survey
Walang ipinagkaiba ang Pasko ngayon sa Pasko noong isang taon -- ito ang resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey.

Trade fair dinagsa para sa mga murang panregalo
Dinagsa ng mga mga mamimili ang Christmas trade fare sa isang malakng mall sa Ortigas. Dito makakabili ng mga murang damit, mga sapatos, at laruan!