Bandila, Miyerkules, Disyembre 17, 2008
Bandila, Miyerkules, Disyembre 17, 2008
12/18/2008 12:57 AM

Pagpapalawig sa CARP inaprubahan ng Kongreso
Palalawigin pa ang Comprehensive Agrarian Reform Program! Pero, ang napagkasunduan sa Kongreso ay hindi iyong hinihiling ng mga magsasaka at obispo. Kaya may mga nag-walk-out na mga militanteng kongresista.

Unemployment rate tumaas, at inaasahang tataas pa
Dumami ang mga Pinoy na walang trabaho! At, nakikitang madadagdagan pa sa susunod na taon.

Engrandeng birthday celebrations ni Pacman tagumpay
Big hit ang birthday party ni Manny Pacquiao sa GenSan. Pati si Pangulong Gloria Arroyo, dumalo.

Buong GenSan nagdiwang sa kaarawan ni Pacman
Hindi lang sa KCC Convention Center, may pagdiriwang. Sa Plaza oval naman nag-celebrate ang mga di-naimbitahan sa party ni Pacman.

Umano’y runner ni Jocjoc hinarang daw kaya di nakarating sa Senado
Tinakot umano ng isang armado lalaki ang umano’y runner ni Jocjoc Bolante na si Maritess Aytona kaya hindi siya nakasipot sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee.

Mga warehouse sale patok ngayong Pasko
Mga mamahaling gamit mura lang sa mga wholesale showroom. At hindi kailangang mamakyaw para makabili.

Mga sasakyan sa kalsada dumami ngayong Kapaskuhan
Lalong tumitindi ang trapik hababang papalapit ang Pasko! Mas dumami kasi ang mga sasakyan sa kalye.