BANDILA, Biyernes, Disyembre 19, 2008
BANDILA, Biyernes, Disyembre 19, 2008
12/20/2008 1:50 AM

Byahe papuntang Calayan Island suspendido

Suspendido ang operasyon ng mga pampasaherong bangka na byaheng Calayan island sa Cagayan. Gustong makatiyak ang mga otoridad na hindi na mauulit ang paglubog ng MB Maejan noong Linggo kung saan 40 na ang kumpirmadong namatay.

CPP-NPA may tigil-putukan
Inutos ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines-New People's Army ang isang tigil putukan ngayong Pasko. Magsisimula ang ceasefire mula Dec.24 hanggang Dec. 26 at mula Dec. 31 hanggang Jan.1. Pagkakataon din raw ito para ipagdiwang ang ika-40 anibersaryo ng muling pagkakabuo ng CPP sa Dec. 26.

Mga opisyal, empleyado nagpasiklaban sa ABS-CBN street party
Bongga ang ginanap na street party sa kalye ng Eugenio Lopez Drive para sa taunang Christmas party ng mga empleyado ng ABS-CBN. Humataw sa tugtugan ang iba't-ibang banda. Nagpasiklaban naman sa sayawan at kantahan ang mga empleyado at opisyal ng Kapamilya Network kasama sina ABS-CBN president Charo Santos Concio at Newsgathering head Charie Villa.