Bandila, Martes, Disyembre 23, 2008
Bandila, Martes, Disyembre 23, 2008
12/24/2008 1:45 AM

Last-minute shopping tuloy pa rin
Kahit maraming nagrereklamo sa hirap ng buhay at siksikan, dagsa pa rin ang mga nagla-last minute shopping sa mga mall sa Metro Manila. Kaya naman ang mga shops, hindi magkandamayaw sa pag-asikaso sa mga mamimili.

Abusadong taxi drivers inirereklamo
Pahirapan nang makasakay ng taxi lalo na sa mga mall at commercial area.
Sabi ng LTO, iniiwasan ng mga driver ang mga pasaherong maraming bitbit o malayo ang destinasyon.

Consumer group humihingi ng panibagong rollback bago mag-2009
Dalawang piso pa kada litro ang dapat ibaba sa presyo ng diesel at gasolina bago matapos ang taon, ito ang lumabas sa kuwenta ng Consumer and Oil Pricewatch.

Parte ng kinita ni Pacman mapupunta sa cancer patients
Mapupunta sa mga may kanser ang bahagi ng kinita ni People's Champ Manny Pacquiao. Ani Pacman naapanahong magbigay siya sa kapwa lalo na at malaki naman ang nakuha niya sa sunod sunod niyang tagumpay.

Lechon pinakapaborito tuwing Noche Buena
Ayon sa survey lechon ang siyang pinakapaboritong putahe ng Pinoy pag Noche Buena. Kaya naman nagkakaubusan na ng lechon bago pa mag-Pasko.