Ilang pamilya nagsalo-salo sa Rizal Park ngayong Pasko
Sa Luneta ang punta ng mga gustong mamasyal ngayong pasko pero ayaw gumastos. Maganda ang tanawin, presko ang hangin at higit sa lahat, walang entrance fee.
10 bilanggo binigyan ng conditional pardon
Paglaya ang aguinaldo ng Pangulong Arroyo sa sampung bilanggo. Nabigyan ng conditional pardon sina Joaquino Ambojnon, Floresto Baldona, Alejandro Bato, Antonio Bolanda, Leodegracio Esoc, Abundio Fernandez, Jesus Nocora, Arnaldo Ricafort, Mariano Ronda at Ambrocio Villapana.
Tissue warehouse tupok sa Mandaue
Nagliyab ang imbakan ng tissue paper sa pier siete sa Mandaue City. Ayon sa gwardya, isang kwitis ang nakita niyang sinindihan sa labas ng bodega bago nagsimula ang sunog sa warehouse na pagmamayar-ari ng Pamilya Leongtiu.
Hiling ng pangulo ngayong Pasko: pagkakaisa laban sa krisis
Simple lang ang christmas wish ni Pangulong Arroyo para sa mga Pilipino: ito'y ang harapin ang kinabukasan nang puno ng pag-asa, ang magka-isa ang sambayan sa pagharap sa krisis, at sama-samang marating ang kasaganaan.
Nabawasan ang krimen ngayong Pasko
Sulit ang mataas na alerto ng PNP dahil nabawasan daw ang krimen ngayon Pasko. Isa raw sa mga dahilan ang pag-ulan ngayong Kapaskuhan.
02/14/2012 2:21 AM
02/14/2012 2:17 AM
02/14/2012 2:15 AM
02/14/2012 2:14 AM







