TV Patrol Sabado, Enero 31, 2009
Huling bangkay narekober sa lugar ng pagsabog sa Cavite
Nakilala na ang isa pang bangkay na narekober sa malagim na pagsabog sa Starmaker Fireworks factory sa Trece Martires, Cavite. Nananatili namang kritikal ang dalawa pang biktima ng pagsabog.
Gordon nakausap ang mga bihag na Red Cross workers
Kinumpirma ngayon ni Senador at Philippine Red Cross chairman Richard Gordon na naka-usap na niya ang grupong dumukot sa tatlo nilang volunteers. Umapela rin ngayon sa gobyerno si Gordon na payagan na silang makapagpadala ng sariling emisaryong titiyak sa kundisyon ng mga biktima.
LPG kulang pa rin sa suplay; Auto LPG apektado na rin
Dobleng aray ngayon sa publiko ang problema sa LPG! Kulang na nga sa suplay, nakatakda pang tumaas ang presyo nito bukas! Maging ang mga gumagamit ng auto LPGg, apektado na rin.
Mga matatanggal sa trabaho hinimok na mag-skills training
Sa harap ng tumitindi pang krisis, hinikayat ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang mga nawalan ng trabaho na sumailalim sa kanilang libreng training.
Wowowee dinagsa sa Dubai
Dinumog ng mga tao sa Dubai ang Wowowee, kung saan nakisaya ang mga kapamilya stars, kasama si Charice Pempengco!
