TV Patrol Linggo, Pebrero 1, 2009
Arroyo: Mahihirap na bansa dapat isali sa usaping pang-pinansyal
Hinikayat ni Pangulong Arroyo ang mga kapwa lider na isama ang mahihirap na bansa sa mga lupong kakatha ng solusyon sa pandaigdigang suliranin sa pananalapi.
40,000 Pinoy nawalan ng trabaho sa pagputok ng krisis
Sa loob lamang ng tatlong buwan mula nang umugong ang global crisis tinaya mismo ng DOLE na humigit kumulang na sa 40,000 Pilipino ang napaalis sa trabaho. Bukod pa umano ito sa libu-libo ring OFWs na nawalan din ng hanap-buhay.
Presyo ng tinapay sasabay sa pagtaas ng LPG
Mapipilitan daw ang mga panadero na hilingin ang pagtaas ng presyo ng mga tinapay kung magpapatuloy ang problema sa supply ng LPG. Dahil kasi sa LPG shortage, napipilitan silang gumamit ng electric oven sa pagluluto ng tinapay.
Umabot na sa 11 ang patay sa pagsabog sa Cavite
Umakyat na sa 11 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa pabrika ng paputok sa Cavite, matapos bawian na rin ng buhay ang isa pang sugatang empleyado.
45 estudyante nabiktima ng food poisoning
Apatnapu’t limang batang estudyante ang umano'y na-food poison sa bayan ng Murcia, Negros Occidental. Sumakit ang tiyan at nagsuka ang mga grade school students matapos silang kumain ng cupcakes at marshmallows.
Pinoy na nanalo sa Australian Open nakauwi na
Nakauwi na sa bansa ang 16-taong gulang na Filipino tennis sensation na si Francis Casey Niño Alcantara na nanalo sa Australian Open sa Melbourne, Australia.
Camille Pratts gustong maging leading man si John Lloyd Cruz
Kahit mommy na si Camille Pratts wala pa raw siyang balak talikuran ang showbiz. Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto pa nga raw niyang maging leading man si John Lloyd Cruz.
John Pratts naghahanda sa kaarawan ni Shaina
Ngayon pa lang daw ay nag-iisip na si John Pratts ng maireregalo sa kanyang “love of his life” na si Shaina Magdayao.










