TV Patrol World, Lunes, Pebrero 2, 2009

Posted at 02/03/2009 12:15 AM | Updated as of 02/03/2009 1:39 AM

SEC sinabon ng mga Senador sa kawalan ng aksyon sa mga pre-need companies
Sinabon ng mga senador ang mga opisyal ng Securities and Exchange Commission! Wala raw ginawang aksyon ang SEC laban sa dalawang bumagsak na pre-need companies sa ilalim ng Legacy Group.

Rachelle Ann Go nagpa-sexy sa concert
Pinanindigan ni Rachelle Anne Go ang mas sexy at mas senswal na imahe sa kanyang mapang-akit na kasuotan at dance numbers sa kanyang pre-Valentine concert sa Music Museum. Full support naman sina Sam Milby, Christian Bautista, Nikki Gil, Sam Concepcion at Karen Davila na sumusuporta sa World Vision, na nagtataguyod na makapagtapos ng pag-aaral ang mga kabataan. Samantala, mapapanood na ang pinakabagong teleseryeng "May Bukas Pa" tampok ang isang all-star cast.

Pagpapatupad ng ‘National Resiliency plan’ pinamamadali
Pinamamadali na ng Pangulong Arroyo sa kanyang mga kalihim ang pagpapatupad ng ‘National Resiliency Plan’; para mapalakas ang ekonomiya sa panahon ng krisis.

OFW sa Australia tanggal sa trabaho sa ‘paghuhugas’ sa toilet
Nasibak sa trabaho si Amador Bernabe, isang machine operator sa Australia, dahil sa kanyang nakagawiang paraan ng paglilinis sa sarili matapos magdumi sa loob ng banyo.

Matagumpay ang pagbabalik nina Banal at Amonsot
Sa Bohol, mahigit 10,000 fans ang nag-enjoy sa mga bakbakan ng mga boksingerong Pinoy kontra sa mga dayuhan nilang kalaban. Na-knock out ni AJ Banal sa 4th round ang kalaban na si Nouldy Manakane samantalang napatumba rin sa 5th round ng nagbabalik na si Czar Amonsot si Zoel Fidal.

Mga stranded OFW sa Dubai tinulungan ng Wowowee
Matapos ang Wowowee concert sa Dubai na dinaluhan ng higit 20,000 mga OFWs, mas dobleng saya ang idinulot ng ABS-CBN at ni Willie Revillame nang bisitahin nila ang mga runaways sa Dubai, UAE.

 ‘Double your money’ scheme ng Legacy iligal ayon sa SEC
Isa sa mga naging panghatak ng pre-need company ng Legacy group ay ang "double your money scheme" o ang pangakong mado-doble ang iyong perang puhunan. Pero batay sa SEC lumilitaw na iligal pala ang programang ito ng Legacy.

Giyera laban sa kidnapping iniudyok ng mga local na opisyal
Giyerahin na ang mga kidnap for ransom groups. Ito ang hamon ng ilang alkalde sa mga militar dahil sa sunod-sunod na kidnapping sa Basilan.
Noong Sabado, isang nuebe-anyos na bata sa Lamitan City ang dinukot.

Bebe Gandanghari may mensahe sa mga pro-Rustom
May mensahe si Bebe Gandanghari sa mga taong ayaw pa ring ilibing sa limot ang dati niyang pagkatao bilang Rustom Padilla.

Bookmark and Share