TV Patrol World, Martes, Pebrero 3, 2009

Posted at 02/03/2009 9:56 PM | Updated as of 02/03/2009 10:07 PM

Dalawang bus nagkarerahan, naaksidente; Mga trabahador ng Hanjin sugatan
Nakipagkarerahan sa daan ng Barangay Cawag, Subic, Zambales ang isang kaskaserong driver ng shuttle bus na bumulusok sa bangin sakay ang 51 empleyado ng Hanjin!

‘Legacy bank maaari sanang masalba kung di nakialam ang korte’
Isang bilyong piso sana ang maisasalbang pera ng mga depositor ng Legacy bank kung hindi pinigil ng korte ang Bangko Sentral na i-take-over ang bangko. Ngayong tumiklop na ang Legacy, pera rin ng taumbayan ang gagamitin para bayaran ang mga insured deposits.

Esquivel nagsalita na sa naudlot na ambush
Binansagan siyang berdugo ng bangketa dahil nga sa sidewalk clearing operations ng MMDA! Kaya suspetsa ni Bobby Esquivel, mga grupong nawalan ng kita kaugnay nito, ang nasa likod ng ambush kahapon!

Negosyanteng Hapon idinawit si FG sa World Bank controversy
Nadawit na naman ang pangalan ni First Gentleman Mike Arroyo sa isang iskandalo. Ayon sa isang confidential report na nakuha ng Newsbreak ABS-CBN News Online, si First Gentleman ang lumalabas na isa sa mga pulitikong nakipagsabwatan sa mga kontraktor na umano'y dumoktor sa mga proyektong pinopondohan ng World Bank.

‘Pop icons’ papakiligin ang Pebrero
Hearthrobs ng local showbiz nagpakilig bago ang kanilang "pop icons" concert ngayong Pebrero. Samantal, inamin naman ng ultimate heartthrob na si Piolo Pascual kung sino ang singer-actress na napupusuan niyang mapalapit.

Cha-cha lusot sa Kamara
Matapos ang pananahimik ng isyu sa Cha-cha, ipinasa na kanina sa Kamara ang resolusyon ni Speaker Prospero Nograles na naglalayong amyendahan ang ilang probisyon sa Saligang Batas! At posible raw masimulan na ang Cha-cha sa susunod na buwan!

BMPM: Ligaw na bala mula sa firing range, inireklamo
Mga ligaw na bala mula sa isang firing range na bumagbagsak sa mga bahay sa San Mateo, Rizal -- 'yan ang reklamong, binantayan ni Adrian Ayalin, sa Bayan Mo, i-Patrol Mo!

Mga sexy stars nagpatalbugan sa magazine cover
Mainit ang showdown ng cover girls ngayong Pebrero. Nakipagsabayan din ang Viva Hot Babes na prutas lang ang panakip sa katawan. Ipinakikilala rin ang napipisil na gawing bagong burlesk queen.

Bookmark and Share