Grupo abot dekada na ang pagtulong sa mga magsasaka


Kapamilya! Isang samahan sa Ilocos Norte ang ilang dekada nang tumutulong sa mga magsasaka sa kanilang lugar. Kilalanin natin ang Zanjera de Ganagan Incorporada, ang Bayaning Pilipino mula sa Bacarra, Ganagan, Ilocos Norte.

Hirap ang mga magsasaka ng Gaganan, Ilocos Norte. Karaniwan nilang daing ang kakulangan sa patubig.

Kaya noong 1792, itinayo ng kanilang mga ninuno ang Zanjera de Ganagan Incorporada para magkaroon ng patubig ang kanilang mga sakahan.

Sa kasalukuyan, aktibo pa rin ang samahan sa pagtulong sa mga magsasaka na umabot sa higit 200 ang miyembro at umabot na sa 5 barangay sa Ganagan ang kanilang sinusuplayan  ng tubig.

Bukod sa patubig, binibigyan din nila ang kanilang mga miyembro ng binhi, pataba at ibang gamit para sa pagsasaka.

Aktibo rin sila sa pagbabantay at pangangalaga ng kalikasan.

Laking pasalamat naman ng mga taga-Ganagan sa Zanjera de Ganagan Incorporada dahil sa pamamagitan nito, umangat ang kanilang mga kabuhayan.

Para sa ibang impormasyon tungkol sa Bayaning Pilipino, mag-log on sa bayaningpilipino.abs-cbnNEWS.com.
 

08/20/2010 12:43 AMBookmark and Share