Malaking discount alok ng resorts sa Visayas


Maraming pumunta sa huling araw ng Philippine Travel Mart sa SM Megamall nitong Sabado kung saan bagsak presyo ang biyahe ng mga eroplano at hotel.

Ito ang hakbang ng ilang hotels sa bansa para ibangon muli ang turismong apektado umano sa madugong hostage crisis.

Pambawi raw nila ang katakut-takot na promo gaya ng 50 to 70% off sa hotel stay.

“So the Lapu-Lapu City government took an initiative and called the owners and sales and marketing directors of the different resorts of how we can counter act the effects of some cancellations from Hong Kong and China,” ani Margie Munsayac, vice-president for sales and marketing ng Maribago Bluewater Beach Resort.

“This initiative is very timely for us to at least recover what we have lost,” dagdag ni Michael Albana ng Mactan Shangri-La Resort and Spa.

Ang ilang resort naman sa Boracay, target na maengganyo ang European tourists.

Para sa general manager ng Shangri-La Hotels sa Metro Manila, hindi na raw kailangan ng mga diskwento para makaakit ng hotel guests.

“We are welcoming a fairly big Chinese delegation at Makati Shangri-La tomorrow. I think life goes on, business goes on,” ani Reto Klauser, area general manager ng Shangri-La Hotels Philippies.

Tingin naman ng presidente ng travel agencies sa bansa, kailangan lamang daw ipaliwanag sa mga turista na isolated case ang trahedya sa Quirino Grandstand.

Umaasa naman ang travel agenies sa bansa na ma-lift na ang travel advisory ng Hong Kong sa Pilipinas.

Kung mangyari ito. unang iimbitahan ang Hong Kong at iba’t ibang international media sa ipinagmamalaki nating magagandang isla sa bansa. – Zyann Ambrosio, Patrol ng Pilipino

09/05/2010 11:13 PMBookmark and Share